"So that I"ll have a reason to see you again..."Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi niya sa akin. Nasa may mesa ako ngayon tinit.i.tigan ang compa.s.s na ibinigay niya. Nakatutuok pa rin ang pulang linya sa may North na lagi nitong ginagawa. Hinimas himas ko ang salamin sa hanggang maging makintab ito. Sa tuwing nakikita ko ang compa.s.s siya agad ang naiisip ko.
"Nasaan na kaya siya? Matagal ko na siyang di nakikita..."
So, okay, I guess I made it clear to him that I love him. Ngayon ang problema ko ay gusto ko siyang makita. Sa unang pagkakataon, tumagal ng pitong araw ang pagkawala niya. Pampitong araw na ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Alam ko kung ano ang ginagawa niya kaya iniisip ko rin na baka mahirap ngang gisingin ang milyong-milyong tao na natutulog.
"Pero babalik siya. Nandito ang compa.s.s sa akin eh..."
Tumayo na ako. Iniwan ko muna ang compa.s.s sa mesa at pumunta sa may bookshelf. k.u.muha ako ng mga libro at dinala sa mesa. Kagaya ng ginawa ko kahapon magbabasa na naman ako sa hanggang dumating ang lalaking iyon para pakialam na naman ako sa ginagawa ko. Kaya hanggat wala pa siya susulitin ko ang pagbabasa.
"Let"s start with this one..."
Binuksan ko ang isang pulang libro. Ang agad mong makikita ay isang apat na linyang tula.
Apat na paa sa umaga
Dalawa sa hapon
Tatlo sa gabi.
Ano ako?
Isa pala itong bugtong. Simple lang naman ang sagot nito. Tao. Ipinapanganak ang tao bilang bata na ipinapahiwatig ng umaga. Apat na paa dahil sa gumagapang pa ang mga bata. Dalawa sa hapon. Ang ibig sabihin ay malaki na ang tao at kaya nang maglakad ng balance. Tatlo sa gabi. Dahil ito sa sungkod na madalas ginagamit ng mga matatanda. Napakasimple naman.
Teka, may sinabi ring bugtong si Apprentice sa akin. Ito ay tungkol sa pangalan niya.
I sound like WHEN, but you can answer WHERE. I"m the Opposite of Easter, though the second is one third of an egg. The last part is saint but I ain"t holy.
"Hindi ko pa naririnig ang bugtong na ito sa buong buhay ko. Mukhang ginawa talaga niya..."
Isinulat ko sa isang papel ang sinabi niyang bugtong. Khait pitong araw na ang lumipas malinaw pa rin sa akin ang ala ala. Of course, sinabi ko na hindi ko kakalimutan. Isa iyong pangako kaya dapat panindigan ko. Pero... Aaminin ko, mahirap talaga ang ibinigay niyang bugtong.
"Hindi ba mas madali kung binanggit na lang niya...?"
Sinubukan kong sagutan ang bugtong na ibinigay niya. Pero kahit anong baliktad ko sa mga letra o subok wala pa ring lumabas. NapaG.o.d na rin ako kaya minudmod ko na lang ang mukha ko sa mesa. Mas maganda talaga kapag nandito siya. Baka bigyan pa niya ako ng karagdagang clues.
"Bakit ba kasi na ayaw mong sabihin sa akin ang pangalan mo!" Sigaw ko.
"THUD!"
"Huh?"
Naramdaman kong biglang yumanig ang paligid. Napatayo ako bilang alarma. Tinignan ko ang paligid. Anong nangyayari?
"Lindol..."
Pumunta ako sa terrace para tignan kung ano ang nangyayari sa labas. Napansin ko na nagsialisan ang mga hayop sa tabi ng torre. Nagsiliparan ang mga ibon mula sa puno.
"Anong nangyayari?"
Pero hindi ito isang lindol. Nakikita kong hindi gumagalaw ang lupa. Mukhang galing ang pagyanig sa pagitan. Tinignan ko ang paligid ng torre at napansin ang isang kakaibang hugis sa ere. Sinubukan kong tignan ito ng malapitan. Ang imahe ay tila hinihila papasok sa isang lugar na hindi ko alam. Para bang naging isang tubig ang hangin na nais...o...b.. ng isang bato.
Mula sa kakaibang nakitang paggalaw ng hangin nagkaroon ng isang bilog. Isa itong bilog na lumalaki ng lumalaki sa hanggang b.u.mukas ito. Nagmukhang kalawakan ang nasa loob na para bang portal. Hindi. Mukhang portal nga itong nakikita ko. Tumakbo ako papasok at hinanap ang maliit na bintana sa kabilang dako ng torre. Pagtingin ko di ko nakita ang itim na bilog. Ang ibig sabihin portal nga ito.
b.u.malik ako sa terrace para tignan uli ang malakalawakang portal. Habang tumatagal lumalakas ang lindol. Kahit nga portal ay nayayanig ng isang bigay. Pagakatapos ng ilang segundo dahan dahang lumiit ang portal. Masasara na ito. Sino kaya ang may balak na dumaan rito?
Ang pagkakaton ay biglang nayanig ng may lumabas na apoy mula sa portal. Lumabas ito sa mundong ito at nahagis sa ilang puno sa harapan. Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Pagkatapos ng apoy, sumunod naman ang isang malaking nilalang na matulin ang pagkakapasok. Muntikan pa nga itong kainin ng bunganga ng sumasarang portal pero nakalabas ito bagao nawala.
Napunta ang nilalang sa ere pagkatapos ay dumas-dos papunta sa lupa at gumulong gumulong sa hanggang tumigil. Usok ng alikabok ang tumabon sa imahe ng nilalang. Naghintay ako ng ilang sandal. Hinayaan ko munang b.u.maba ang alikabok. Una, nagpakita ang isang malabuntot ng ahas. Pagkatapos ay mga matutulis na paa. Isang malaking kulay pula na butiki ang lumabas mula sa portal.
"Aries!" Sigaw ko.
Mabilis akong tumakbo, pababa ng hagdan. Paglabas ko nakita kong umuusok pa ang paligid dahil sa alikabok at sa apoy na ibinuga ni Aries kanina. Sa malapitan, mapapansin ang mga sugat sa pakpak ng dragon at mga espasyo na naiwan sa natanggal na mga kaliskis. Nakahiga si Aries – ang likod niya ay nakasandig sa punong tumigil sa kanyang patuloy na pagdaus-dos. Ang pakpak niya ay nakatabon sa kanyang tiyan na para bang may kung ano siyang itinatago.
"Aries, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan ako ni Aries. Halata sa mukha nito ang sakit dahil sa mga natamong sugat. Iginalaw niya ang kanyang ulo papunta sa mga pakpak. Tinignan ko naman ito. Tinanggal niya ang bawat isa at ipinakita ang bagay na itinago. Napatabon ako ng makita ko si Apprentice na nabalutan ng sugat at dugo. Pinuntahan ko agad ang sugatan na lalaki.
"Apprentice... Apprentice..." Niyugyog ko siya. Hindi siya gumagalaw.
Inilagay ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Maririnig pa ang pagtibok ng puso niya. Buhay pa siya!
"Kailangan magamot agad ang sugat niya... Aries, dadalhin ko siya sa loob," sabi ko sa dragon.
Tumango ang dragon at dahan-dahang inilapag ang katawan ni Apprentice sa lupa. Hinawakan ko ang pulso niya para makasigurado na buhay pa siya. Sa isang sandali biglang k.u.minang ang dragon. Tinabunan ko ang mga mata ko. Pagmulat koi sang lalaki na may suot na magarang pulang damit ang nakita kong lumapit sa akin.
"I will help you carry him..."sabi niya.
"Teka... Aries?" Nagulat ako sa nakita ko. Nung una naging aso siya. Ngayon tao naman?
"Don"t worry. Dragons come in many forms. It"s not always a serpentine body or a large scaly lizard with wings. We can be human for convenience sake," he answered.
Inilagay niya ang mga braso niya sa mga paa at balikat ni Apprentice at dahan dahan itong iniangat sa lupa. Tinignan naman niya ako.
"Ah... Okay. Dito ang daan."
Una akong naglakad. SInundan naman niya ako. Patakbo kaming umakyat sa malamig na daanan. Mabilis ang tibok ng puso ko. Tinignan ko si Aries at ang dream slaughter. Ano kaya ang nangyari sa dalawa? Bakit sugatan sila? Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
Kung lahat nga possible sa panaginip na ito sana maging maayos lang ang kalagayan niya.