Dream Slaughters

Chapter 13

That"s my good night kiss.

I woke up with the sweetest dream of all. And more importantly, it"s not a dream.

Agad akong napabangon sa kama ng biglang naalala ko ang ginawa niya kagabi. I"m all tired and worn out so I was able to sleep. Pero ngayong gising na ako hindi ko na alam ang gagawin. Napayakap ako sa mga tuhod ko sabay tili sa utak. Ayaw kong sumigaw dahil baka bigla na lang iyon susulpot at magtanong pa. Siya pa naman ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"I really did admit it. I"ve fallen in love with him," I murmured.

Naramdaman kong umiinit ang ulo ko marahil sa pamumula. Ibinaon ko ang ulo ko sa pagitan ng mga tuhod para matauhan. Noon, kinikilig lang ako sa mga prince charming and princesses sa isang kwento na laging may happy ending. Ngayon, hindi ko inaasahan na ako na mismo ang mahuhulog sa isang tao.

Why did I fell in love with him anyway?

"He is kind, and sweet, and ..." It"s very embarra.s.sing. Kahit wala siya sa paligid nahihiya na ako sabay kilig. Ano na lang kaya ang mangyayari kapag nagkita kami? Mapapansin na niya na may gusto ako sa kanya. Then, what will happen next? What will I do with him?

Tumunog na ang orasan. Tumayo na ako para k.u.main. Sumunod si Apollo sa akin na nasa may paanan ko. Binuhat ko ang pusa at itinaas.

"So, what do you think? Should I tell him that I love him?" I asked the cat.

"Muuurr," sagot ng pusa.

"Ha ha! Tama ka, I mean it must be the guys who will take the initiative. Hindi maganda sa isang dalaga na nangunguna," Sabi ko sa pusa. Ewan ko ba kung iyon ba talaga ang sagot niya.

I took my breakfast then do the usual ch.o.r.es. At dahil nga nakfull battery ako marami pa akong ginawa. Inayos ko ang mga libro at inilagay sa bagong shelf na gawa ni Apprentice. Pinagpag ko ang mga librong may alikabok. Pagkatapos, ang kama naman ang inatupag ko. Nagpalit ako ng covers at dinala ang mga unan sa labas para painitan.

I also water the plants around the tower. Simula nung araw na nakalabas na ako sa torre nagtanim ako ng mga bulaklak sa gilid ng torre. Si Apprentice ang k.u.muha ng mga buto at tinulungan rin niya ako sa pagbubungkal ng lupa. I don"t know if watering them will change because there"s always water on the ground. Pero dahil nga sa hyperactivity ginawa ko rin.

It"s still too early when I finished all the ch.o.r.es and the extra ones. I wiped the sweat in my forehead as I stare in my sparkling surroundings. Ganito pala kapag in-love ang tao. Parang nakadrugs lang. Sa sobrang adik kahit anong kalokohan na lang ang ginagawa. Nagiging tao ang hindi tao at nagsisipag. Wow, what an inspiration.

Dahil nga natapos ko na ang mga bagay na dapat tapusin napagdesisyunan kong mamasyal muna. Kahit na nakakalabas na ako hindi ko pa rin alam ang mga pasikot-sikot ng gubat kaya mas maganda kung hindi na ako mawawala sa susunod. Barehanded, I started walking unto a trail. May nakita akong isang trail na para bang may taong laging dumaraan.


Naglakad ako ng naglakad sa hanggang nakalayo na ako sa torre. Tumalikod ako. Kita pa naman ang torre. At tsaka, hindi nawawala ang trail na ito kaya nagpatuloy ako. I managed to walk further away until I felt something different. The wind is kind of humid. Para bang may kung anong basa ang nasa paligid. The soil is also moist.

"Apprentice said that he found those kids nearby a river. It must be here," I told myself.

I continued walking until I found the end of the trail at sight. The place is somewhat bright. Para bang may kung anong ilaw na nanggagaling sa kabilang dako. I covered my face with my arm and walk. Inalis ko ang mga nakaharang na mga sanga na galing sa mga maliliit na puno sa hanggang narating ko ang pinakadulo.

Ang inakala kong salamin ay tubig pala. The water from this river sparkled, reflecting the sunrays. This must be it.

"Ito na siguro ang lugar na sinasabi niya. Maganda naman pala talaga."

May naranig ako na ingay sa gilid. Ito ay tunog ng mga sangang tinatapakan. Sinubukan kong magtago mula sa mga damuhan at tignan kung sino ito. After the crackling sound is a thumping. It looks like a huge creature is coming. A minute later, a multi-colored reptile showed up.

"Aries!" Tawag ko sa dragon.

Lumingon si Aries sa akin. Mukhang naamoy niya ako kaya naglakad siya sa paligid. Agad kong niyakap ang malaki niyang ilong na mainit pa rin. I can hear him gurgling his throat. Masaya rin siyang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito? Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong ko sabay kuskus sa ilalim ng kanyang panga.

Ginalaw niya ang kanyang mukha at tinignan ang tubig sa harapan namin. Tinignan ko lang siya. Para bang sinasabi ng dragon na ito na tignan ko rin ang tubig.

"Gusto mong maligo?" I asked sabay lingon sa tubig.

Mula sa ilog, isang katawan ang umahon. Dahan dahan itong tumataas na para bang naglalakad siya mula sa pinakamalalim na parte ng tubig. Kitang kita ang basa niyang mukha; ang mga mata ay nakapikit pa. Gamit ang kamay, inalis niya ang mahabang buhok na humarang sa kanyang mukha at inilagay sa mukha. Unti-unti na ring nakikita ang kanyang hubad na katawan. Ang pantay na kulay ng kanyang balat ay k.u.minang dahil sa tubig. Ipinakita rin nito ang tikas ng kanyang dibdib at kalamnan.

Napalunok ako sa nakita. This guy must be Adonis.

He opened his eyes. Iwinasiwas niya ang buhok na tumutulo. Tinignan niya ang paligid at natagpuan akong nakatayo katabi ang kanyang dragon. He made a b.l.o.o.d.y crooked smile. That just made my heart skipped a beat!

"Aurora, what are you doing here?" Tanong ni Apprentice na nakalublob pa rin ang kalahating katawan sa tubig. Napansin ko na may suot pa siyang pang-ibaba. Buti naman. Dahil kung wala talaga siyang saplot baka dumugo na ang ilong ko rito.

"Um... I"m just ..." Hindi ko mapigilang pagmasdan ang dibdib niya. Hindi ko talaga inakala na sa likod ng damit niyang suot nagtatago ang ganyan katikas na katawan.

"You"re just...?" Naglakad siya palapit sa amin. Narinig ko na umugong si Aries na para bang pinagtatawanan ako.

"I"m... just walking around... wandering around... yeah, like that...?" Sinubukan kong tignan ang ibang bagay. Namumula na ang mukha ko.

"Talaga? Bakit naman?" Tuluyan na siyang nakaahon sa tubig. Naglakad siya palapit sa amin. Medyo pinupukpok niya ang kabilang tainga na para bang may nakapasok na tubig. I can"t stop fidgeting.

"Ah... kasi wala akong magawa sa bahay... pagkatapos nagawa ko na lahat ang dapat gawin kaya... ayun. Napagisip-isip ko na mamasyal muna... Then..."

Nasa harapan ko siya. Ngayon ko lang napansin na matangkad pala ang taong ito. Napatingala ako habang tinitignan ang mukha niya. He raised his wll arranged eyebrows as if he"s waiting for the continuation of my answer.

"... Then I found this place... sabi mo kasi may ilog sa di kalayuan kaya..."

Inilapit niya ang kanyang mukha sabay ngiti. Ginulo niya ang buhok ko.

"That"s nice. Let"s try wandering sometimes," sabi niya.

Inalis niya ang kamay niya sa ulo ko at pumunta pabalik sa may ilog. Nakalagay sa isang munting puno ang tuyo niyang damit at mga bagay na pagmamay-ari niya. Ako naman nakatayo rito na parang statwa. That guy attacked me unintentionally. Ilang pana na kaya ang ginamit ni kupido sa puso ko?

"Kung gusto mo pwede rin kitang ilipad kasama ni Aries. May mga bayan rin sa labas ng nayon na ito," pinagpag niya ang tuyong damit. "Pagkatapos, pwede rin sa susunod na bundok..."

Tinignan ako ni Apprentice. Napansin niyang hindi ako gumagalaw. Napansin ko rin na ginagawa koi to pero wala akong lakas para ihakbang ang paa ko o magsalita man lang. Ang full battery energy ko ay na drain dahil sa ngiti niya. Isinabit niya uli ang tuyo niyang damit sa sanga at lumapit sa akin. Napatalon ako ng hinawakan niya ang kamay ko.

"What th-" Tinignan ko ang mukha niya.

"Tayo na?" Tanong niya. Napalunok ako. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito?

"Tayo na ba?" Tanong niya uli.

I am at loss of words. Wala akong ginawa kundi ang tumango na lang.

"Okay, let"s go!" Hinila niya ako bigla.

"Let"s go?" Mukhang huli na ang lahat para sa tanong na iyan.

Dinala niya ako sa dulo ng ilog at binuhat na para bang bagong kasal. Pagkatapos tumalon siya sa tubig kasama ako. Napasigaw ako ng malakas. Mabilis akong lumubog sa tubig. Nawala bigla si Apprentice. Tinignan ko ang paligid pero malabo dahil sa tubig. Hindi nga pala ako marunong lumangoy. Nakaramdam ako bigla ng takot. I"m starting to lose my air. Lumalabas na ang mga bula mula sa bibig ko. Nararamdaman kong b.u.mababa ako ng b.u.mababa sa tubig. Dumidilim na rin ang paligid.

I am about to drown when somebody reached for my hand. It was him, closing his mouth to stop himself from drinking water. Hinila niya ako papalapit sa kanya. Nagulat ako ng idinampi niya ang sariling bibig sa labi ko. Binibigyan niya ako ng hangin. Pagkatapos b.u.mitaw na siya.

He gave me a smile. Lumiwanag bigla ang paligid. I teased him for while by pinching his cheeks. He did the same to me. We both smiled. Nang maramdaman niyang di na siya makahinga tinuro niya ang itaas. We both swam above the water. Sabay kaming nakahon. Pagtaas ko agad niya akong winisikan ng tubig. b.u.mawi rin naman ako sa kanya.

We both played until we got tired. Niyakap na lang niya ako bigla mula sa likod.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya.

"Thinking..." naramdaman kong minudmod niya ang mukha niya sa likod ko.

"That tickles," tawa ko.

"Yeah... I know..."

We remained in that position. Hindi ko na alam kung anong mangyayari. Binging bingi na ako sa sariling kabog ng puso ko at nasabi ang mga salitang di ko pinagsisihan.

"I love you..."

© 2024 www.topnovel.cc