Potion Of Love

Chapter 11

Akyat ligaw

Buong maghapon kaming nag-test.Halos dumugo ang utak ko roon.Mabuti may dalaw.a.n.g subject pa hindi ko tinuloy at sa Monday nalang daw gagawin.

Bago kami maglabasan sa room ay marami ng babaeng nakatambay sa tapat ng room namin.Sumilip si Pres sa bintana.

"Bakit dito pa sila tumambay sa tapat ng room natin? Alam naman nilang daanan "yon." Lalabas na siya ng pigilan ko.

"Hayaan mo na Pres ,baka nagpappicture lang."

"Ang yabang kamo." Nagmadali itong nagbukas ng pinto at sinundan ko.

"Hoy! Pwede ba wag kayo diyan!" Bulyaw ni Pres.

Umalis naman ang mga kababaihan sa daanan,doon namin nakita si Amir na may hawak na bouquet. Kinabahan akong bigla.

"Hi Klea." Abot-abot ang ngiti niya nang masilayan niya ko.Palapit siya sakin nang humarang sakin si Pres.

"Anong meron,bakit may bouquet kang hawak?"

"Pre ,ibibigay ko lang "to kay Klea.Ano bang masama roon?"

"Bakit? Bakit mo siya bibigyan ng ganyan? Para ano? Para saan?"

"Hindi ba obvious? Nililigawan ko siya." Bulungan ang mga klasmeyt ko at ibang babae na nasa likuran ni Amir.

"Nililigawan mo si Klea? Kailan pa? Hindi ba"t may girlfriend ka?" Patuloy na usisa ni Pres dito.

"Wala na kami ni Leny."Malakas na sagot nito.

"Kailan pa,kailan mo pa nililigawan si Klea?"

"Bakit ba,ang dami mong tanong? May gusto ka ba sakanya?bakit ganyan ka magtanong sakin?"

"Prinoprotektahan ko lang si Klea,baka palabas mo lang "to para mapahiya ang cla.s.smate namin."

"Ba"t ko naman gagawin "yon?" Maangas niyang turan.

"Bakit nga ba?"

"Klea,tara na.Ihahatid kita pauwi." Aya sakin ni Amir.

"May naghahatid sa kanya at ang Tatay niya "yon."

"Simula ngayon,ako ang maghahatid-sundo sa kanya.Gets?"Hinahatak ko ang laylayan ng damit ni Pres.

"Hayaan mo na.Mukhang magkakagulo pa kayo." Mahina kong sambit.

"Sana nga lang tama "yang desisyon mo Klea,sana nga at tama lang maging okay kayo.Ngayon,wala na pala sila ni Leny,ni hindi nga natin alam kung bakit nagbreak sila."

"Iniwan ko siya dahil Kay Klea,ano? Masaya kana?" Sabat ni Amir.

Sinamaan nila ang isat-isa ng tingin bago b.u.malik sa loob si Pres. Ngumiti lamang kami sa isat-isa ni Amir,sumama sa kanya.

Tulad nga nito.Lalabas kami sa building na dadaanan ang bawat Sections.Alam kong maraming nagtataka,iyong iba  ay naiinis,pero sorry sila.SA AKIN NA NGAYON SI AMIR.Wala na pwedeng umangkin sa kanya.WALA NA.

Natapat kami sa Section A,lahat ay luwa ang mata,nang  makitang magkasabay kaming maglakad at magkahawak kamay pa habang may bulaklak na hawak.

Burn !

Mamamatay kayo sa inggit! Ano kayo ngayon? Yong dating ayaw sakin ngayon ay patay na patay sa kagandahan ko.

Bago kami makalabas sa building sumalubong samin sina Clarissa at Nixon.Yong mga reactions nila halos gusto ko talagang matawa.


"Bestfriend,bakit kayo magkasama?" Sabay  tingin sa hawak kong bulaklak.

Tumingin sakin si Nixon na parang wala lang sa kanya.Hinila ako palayo ni Clarissa.

"Anyare teh? Bakit magkasama kayo ni Amir,may bouquet kapang hawak?"

"Ewan,sabi lang niya manliligaw sya sakin."

"Whaaat!!?! Sigurado ka ba diyan? Paano si Leny?"

"Bakit ba lagi nyo tinatanong kung paano si Leny?Malamang wala na sila,sa akin siya may gusto." Naiinis na ko ang daming tanong eh.

Ganoon ba talaga nakakagulat, para isiping hindi ako magugustuhan ni Amir?

"Okay,gulat lang talaga.So,paano "yan? Alam na rin ni Nixon "to.Hindi ba aware sayo na hindi naman sila okay."

"Dapat nga maging happy nalang sakin si Nixon.Ito naman talaga ang gusyo ko para sa amin ni Amir ,"di ba?"

"Oo nga.I"m so happy for you bestfriend. Sana nga siya na "yong lalakeng para sayo."

"Hindi ko pa naman siya boyfriend."

"Bakit,patatagalin mo pa? Akala ko ba gustong-gusto mo siya?"

"Gusto ko rin naman maranasan na ligawan,pati magulang ko."

"Tama ka,pero sana alam mo kung hanggang saan "yan ha? Aral kung aral.Wag mong pabayaan b.u.maba ang mga matataas na grades."

"Yup! I know right.Thank you Bestfriend." Niyakap ko siya bago kami b.u.malik sa dalawa.

Hindi na namin nakita si Nixon , nauna nang umalis si Clarissa para umuwi. Gaya sabi ni Amir  hinatid niya ko samin.Tulad din ng ilan ganoon ang reaction nila Nanay at Tatay.

"Nililigawan mo ba talaga ang anak namin?" Nagtatakang tanong ni Tatay.

"Opo Tay.Kung pwede po sana." Mabilis na tugon niya

"Bakit mo siya Liligawan? Anong purpose?" Si Nanay naman.

"Gusto ko po ang Anak nyo.Iyan po ang magandang dahilan ko,Nanay."

"Pero mga bata pa kayo.Hindi pa nga kayo nakakgraduate sa high school eh."

"Handa namin pagbutihin ang pag-aaral. Alam po namin "yong limit pagdating sa relasyon at aral."

Buntunghininga sina Nanay at Tatay habang nakatingin sakin.Alam nila, matagal ko nang gusto si Amir,wag  sabihi tutol pa sila samin ni Amir?

"Hindi kami maghihigpit sainyo.Sana nga,tama "yang mga desisyon nyo.Sana pag-aaral pa rin ang priority nyong dalawa." Wika ni Nanay habang nakangiti si Tatay.

"Hindi pa po ako sinasagot ni Klea,sana po pumayag kayong ligawan ko siya rito sa bahay nyo,mismo."

"Magandang paraan "yan.Halos lahat kasi sa mga chat o text nalang nagliligawan at nag

bibigay ng matatamis na, Oo."

"Iba po ko sa ilan.Gusto ko po sana  pati kayo ligawan ko ng upang mas makilala ko kayo ng husto."

"Walang problema." Sagot ni Tatay."Paano? Mauna na ko sa labas.May huling seserbisan ako,maiwan ko muna kayo." Paalam ni Tatay.

Hinatid namin ng tanaw ang tatay bago rin mag paalam si Nanay na maglilinis lang ng mga bote.

"Ano pala trabaho ni Nanay?" Usisa niya sakin.

"Ah sa shop."

"Anong shop?" inabahan ako baka kaya malaman niya yong kay aling Carlota.

"Kina Aling Carlota." Naku naku .Bakit nasabi ko.

"Ah doon ba? Maganda naman pala trabaho nila.".

"O-opo.  "

"Okay ka lang?"

"Oo naman. "

"Uhm pasensiya na nga pala kanina.Hinalikan kaagad kita ,hindi kasi t.i.tigil si Leny hanggat walang pruweba eh."...

"Kalimutan mo na "yon."

"Nasaan si Jomel?"

"Kilala mo kapatid ko?"

"Oo.Second year na siya di ba?"

"Oo.Nakikita mo ba si Jomel doon?"

"Oo.Paminsan minsan."

"Ahmm"

"So paano?"

"Anong paano?" Usisa ko

"Simula ngayon Liligawan na kita ha?"

"Uhm oo Sige. Tatanggihan pa ba kita? Alam mo naman di ba?" Yung kaninang ngiti niya biglang napalitan ng pagsimangot.

"Bakit?" Tanong ko pa ulit

"Mauna na ko ha.Marami pa palang a.s.signments eh.Bukas ba free ka?"

"Bukas? Uhm.Hindi ko pa alam eh.Sabado "yon,baka maglalaba lang mag hapon."

"Ah Sige.Text and call nalang tayo.Wag na tayo mag chat sa Facebook kasi bihira lang talaga ako mag online."

"Okay! Ingat ka Amir." Tumayo na kami tsaka ko siya hinatid sa labas namin.

Pagpasok ko naka ngiti sakin si Nanay ..

"Anong ngiti yan Nanay?"

"Alam kong happy ka."

"Nayy..."

"Tara nga rito." Pinatabi niya ko sa upuan. "Hindi na ko magtatanong kung paano nangyari "yon alam ko naman na masaya ka ngayon eh."

"Salamat Nay,"

"Basta yon bilin namin ng Tatay mo na pag-aaral muna at kung dumating man sa point na sagutin mo siya kaagad wag mo kalimutan na nag aaral pa kayo ha."

"Opo nay.Alam namin yon ni Amir. Pagbubutihan ko pa ang pag-aaral."

"Good.Oo nga pala anak, bukas madami kang lalabhan ah?"

"Ah opo.."

"Kusot muna ah? Di pa nagagawa yong washing natin eh .."

"Okay po! Aagahan ko nalang gumising."

"Sige.Magluluto muna ko ng hapunan,tawagin mo na si Jomel sa Computer shop."

"Opo."

Nilakad ko lang patungong compshop dahil wala pa naman isang kilometro ang layo nito sa bahay.

Napaka raming tao sa loob Kaya hindi ako makapasok.Hinintay ko lang si Jomel lumabas ngunit mag iisang oras na wala pa rin siya.Madilim na rin at wala na gaanong tao sa loob kaya na gawa kong sumilip.Laking gulat ko naman na wala roon and kapatid ko.Tinext ko siya ngunit ang sabi niya sa text na naka uwi na ito at umuwi na rin ako.

Nakakatakot pa naman maglakad mag isa pauwi dahil marami ng loko Loko sa kalsada.Nanatiling kalmado ang aking puso,baka naman maging okay ako kapag naka uwi sa bahay.

May makakasalubong akong dalaw.a.n.g lalake, kaya naman tumawid ako sa kabilang kalsada ,kaya lang hinarangan ako ng dalaw.a.n.g lalake, parang nakikipag patentero ang dalawa sakin

"Miss ..bakit nandito ka pa? Alam mo bang delikado na ngayon!"

"Oo nga miss ! Babae ka pa naman.."

"Uuwi na nga po ako eh. " Bulaslas ko

"Ganoon ba? Gusto mo ihatid kana namin.Saan ba ang sainyo?"

"Kaya ko naman umuwi mag isa!" Tatakbo ako pero na hila ng isa ng braso ko.Sobrang sakit ng pagkakahawak sakin.

"Bitawan mo ko!"

Mga halimaw kung tumawa ang dalaw.a.n.g lalake. Parang hindi na yata ako makakauwi sa bahay namin.Mukhang magagahasa ako ngayong gabi! Waaah ..

"Bitawan nyo siya!!" Umalingangaw ang boses ng  pamilyar na tinig

Lahat kami tumingin at nakita ko si Amir.b.u.mulong muna sa kasama niyang driver tsaka ito tumakbo palayo.Iniwan si Amir tapos naglakad palapit samin

"Bitawan nyo ang Girlfriend ko!" Banta niya

"Girlfriend??!" Nagtawanan ang dalawa sabay tingin sakin."Girlfriend mo ba itong panget na "to? Sa itsura mong yan! Hahahah.."

Nag apir na yung dalawa.Nakakuha naman ng pagkakataon si Amir na sikmuraan ang isa ,tapos sunod naman sinipa ang isa pa.

Hinila niya ko patakbo pero na sabunutan ako ng isang lalake.

"Aray!!!"

Mabilis sinapak ni Amir ang sumabunot sakin at mabilis kaming tumakbo palayo sa dalawa.Ang nangyari ay hina habol kami ng dalawa.Huminto lang kami ng makasalubong namin ang mga tanod kasama ang driver ni Amir. Halos magkandarapa ang dalawa para takasan ang mga tanod.Naiwan na kami ni Amir at ng driver niya.

"Ayos ka lang?" Hinawakan niya buo kong braso."Hindi ka ba nila sinaktan?"

"Sa braso lang at sabunot lang Amir.Salamat ah? Hindi ka siguro dumating baka may nangyari nang masama sakin."

"Sabi ko naman sayo di ba? Walang sino man ang maaaring manakit sayo.Bakit ba kasi nandito ka? Gabi ah? Nakuha mo pang maglakad sa ganitong kadilim na kalsada.".

"Susunduin ko sana yong kapatid ko sa Computer shop ,eh nagkasalisi yata kami kaya ayan umuwi akong mag isa."

"Sa susunod wag mo ng gagawin yon! Paano nga kung binaboy ka nila! Wag mo ng uulitin ha? Please .."

"Oo ..Promise."

"Ihahatid kana namin sa bahay nyo."

Sakto naman huminto ang kotse ni Amir sa tapat namin.Sumakay na nga kami sa kotse nila at naka uwi ng matiwasay sa bahay..

"Dapat pala hindi na kita inutusan.." Mangiyak-ngiyak na wika ni Nanay.

"Nay ,okay ako..Wag kana umiyak."

"Simula ngayon Wala ng lalabas lalo at gabi.Kaya ikaw Jomel tigil tigilan mo na yang pagpunta sa Computer shop na yan ha! Mapapahamak ang ate mo dahil sayo eh." Nakayuko lamang si Jomel .

"Nay ,mamaya na yang sermon ,nakakahiya Kay Amir." Awat ko.

"Okay lang naman..Mas mabuti nga yon para malaman kong pinagbabawalan na kayo ni Nanay."

"Oh Sige.k.u.main kana rito ng hapunan.." Paanyaya nito Kay Amir.

"Nay ,hindi na..Uuwi na rin si Amir.Di ba?" Pamimilit ko.

"Bakit? Hindi ba siya k.u.makain ng itlog na maalat? " usisa ni Nanay

Kahit naman siguro mayayaman hindi kakain ng ganoon.Masasarap na pagkain lang ang kinakain ng mga gaya nila.

"k.u.makain po." Masiglang sagot ni Amir.

"Sir.." Tawag ng Driver nito na parang pinagsasabihan.

"Si Kuya driver po ,k.u.main na yan eh.Kaya kahit sa labas na po siya mag stay."

"Oh..dito muna siya.  " ani nanay

"Hindi na po ,sanay po kaming nandito lang sa labas ..Salamat nalang po." Lumabas kaagad ang driver nila.

Nag hain kaagad kami ni Nanay tapos k.u.main na rin.Pinapanuod ko itong si Amir k.u.main.,halata naman sa kanyang hindi sanay k.u.main ng pagkaing mahirap.

"Babawi ako.Pakakainin kita sa masarap." Bulong ko rito.

"No thanks.. Masarap naman itong itlog na maalat ,na may kasamang kamatis at chitcharon?" Nangingiti niyang sambit.

"Ah oo..Hindi mo ba alam yan kuya?" Sabat nitong kapatid ko.

"Hindi pa eh ,pero masarap ah?" Lumakas ang pagkain niya ,marahil ayaw lang niyang isipin na hindi siya k.u.makain talaga nito ..

Kaagad din naman sila nagpaalam dahil hinahanap na raw siya ng kanyang Mom and Dad.Sana raw ay mag text pa rin kami o call kahit naka uwi na siya sa bahay nila.

Nahiga na ko at nag muni-muni.Napakaraming nangyari ngayong araw.Tila ba ang bilis din ng pangyayari.Kaagad agad ay minahal na ko ni Amir at nanligaw.Tinext ko si Aling Carlota.

"Gising pa po kayo Aling Carlota?"

"Oo bakit? Ano nga pala balita sa ginawa mo?"

"Successful po! Thank you so much ! Ngayon po ay nanliligaw siya sakin tapos kagagaling lang niya rito sa bahay."

"Good ..Paalala ko lang ulit ha? Huwag na huwag mong ipapakita at ipapaalam sa ibang tao ang ginawa mo kung ayaw mong mawalan ng tuluyan ng bisa ang gayuma.

"Yes po.Lagi ko po yan maaalala.Salamat!"

Pag-send ko ,tumatawag naman si Amir.

"Hi Klea?"

"h.e.l.lo Amir." Hindi mawala sa labi ko ang ngiti.

"Matutulog kana ba?"

"Hindi pa naman..May iniisip lang.."....

"Ano naman iniisip mo?"

"Uhm kung ano-anu.."

"Sa kung ano-anu na yon kasama ba ko roon?"

"Oo naman.Noon pa Amir, mula sa umaga na paggising ko hanggang pagtulog ikaw lang ang nasa isip ko." Pagtatapat ko rito.

"Ang sweet naman.Ang swerte ko pala dahil may isang babaeng baliw na baliw sakin."

"Uy! Hindi lang naman ako nag iisa.Ang dami kaya naming nababaliw sayo." Bungisngis ko naman..

"Alam mo ba kung ano ang pinagkaiba mo sa kanila?"

"Ano?"

"Kasi ikaw lang naman ang nag iisa rito sa puso ko at sa isipan ko."

"Booom !!" Sigaw ko.

"Haha.Wag mo kong pagtawanan ha? Totoo yon."

"Alam ko ,Ramdam ko.Salamat ah?"

"Para saan ?"

"Dahil minahal mo ako."

"Salamat din."

"Para saan naman?" Balik kong tanong.

"Dahil minahal mo pa rin ako kahit ilang beses kitang nasaktan."

Gusto kong tumili ng malakas kaya lang nakakahiya! Haha.

"Pwede ka naman tumili kung gusto mo,kaysa naman pigilan mo pa mahirap yan." Bawat sakin

"Ehhhhhh Ehhhhh Ehhh ....Nakakainis ka! Ughhhh ..Paano mo nalaman yon ah!"

"Ramdam kita."

"Ugh ..Sige na nga matulog na tayo bago mo ko mapakilig ng husto."

"Sandali!"

"Oh bakit?"

"Pwede bang tumingin ka muna sa bintana ng sala nyo?"

"Bakit?"

"Please?"

"Uhm. Sige..Sandali ,lalabas ako."

Lumabas nga ko sa kwarto ko at sumilip sa bintana namin.

"Anong meron?" Nasa labas kaya siya? Ugh

"Wag mo na kong hanapin dahil ipapakita ko lang naman sayo yong stars .."

"Nyee.." Tinignan ko naman ang bituin.

Maulap ang kalangitan ngunit ang dalaw.a.n.g stars ay hindi na tatakpan ng ulap ,kaya ito naman ay lalong nagniningning sa kalawakan.

"Yan tayong dalawa.Kahit alam nating matatakpan tayo ng makakapal na ulap ,mananatili pa rin tayong magkasama at hindi maghihiwalay."

"Eehhhh ..b.u.manat ka na naman.."

"I"m telling the truth. Mahal kita Klea.Sana lagi kang mag iingat para samin ng pamilya mo."

Nawalan na ko ng kibo at pinatay kaagad ang cellphone.Namimilipit ako sa sobrang kilig at muling tumingin sa langit.Tama ka Amir ,para tayong tala sa kalangitan.Kahit alam kong ginawa ko lang ang lahat para mapasakin ka ,kahit na alam kong mali ,umasa akong ginawa ko ito dahil mahal kita.Ganyan kita ka mahal.

© 2024 www.topnovel.cc