Bad Temper"Tao po."
Sabay namin nilingon ni Nixon ang pintuan.Nakatayo roon si Amir,habang itinitiklop ang payong,may kakaiba sa kanyang mukha.Hindi maipinta.
"Bakit nandito ka?" Tumayo na ko para lapitan siya.
"Masama ba?" Kay Nixon tumingin."May bisita ka pala." Nag-smirk sya.
"Kanina pa,may ginagawa kaming project." Tugon ko.
"Kasama pala sa paggawa ng project "yong makipagt.i.tigan." Kalmado niyang siwalat habang pinupunasan ang damit.
"Bakit ka ba nandito?!" Iritable kong tanong.
"Binibisita ko lang naman ang girlfriend ko,masama na ba "yon??" Banat nito.
"Alam mo namang hindi pa tayo okay "di ba? Nag-aaksaya ka lang ng oras ,Amir."
b.u.malik ako sa pagkaka upo kung saan katabi si Nixon,ngunit na upo naman si Amir, sa tapat ng kinauupuan namin.Mayamaya may inilipag si Amir sa lamesa dahilan para matigilan kami.
"Ilang linggo na "yan nasa akin." Siwalat niya."Ewan ko ba ,sa tuwing ibibigay ko dapat "yan sayo laging may nangyayaring hindi maganda."
Tinignan ko lang ng dahan-dahan si Nixon,habang siya tulala Kay Amir.
"Ano ba "yan? Hindi mo naman kailangan ng suhol para mapatawad kita." Balik ako sa ginagawa.
"Sabi ko nga "di ba na ilang linggo na "yan.Bago tayo nag-away nasa akin na "yan." Pagtutuwid nito.
Tinitigan kong maigi ang Cellphone na nasa lamesa.Hindi ko pa rin lubos maunawaan na kung bakit kailangan pa niyang gawin ito kahit hindi kami okay.Ganoon ba talaga kapag may boyfriend at girlfriend? Ibibigay sayo ang lahat kahit hindi ka naman humihingi?
"Tanggapin mo na." Tumayo na siya."Aalis na rin ako."
"Hindi na Amir, ako na aalis. Bukas nalang namin tatapusin itong project." Si Nixon,naman ang tumayo.
"Walang aalis ,isa man sainyo." Bulaslas ko."Ang lakas ng ulan ohhh..." Sabay turo ko sa labas.
Nagkatinginan ang dalawa,nagsenyasan pa kung sino unang babalik sa kinauupuan kanina.
"Salamat." Mahina kong sabi kay Amir.
"Sana,mapatawad mo ko." Seryoso niyang wika sakin.
"Baka gusto nyong mag-usap muna." Nagmamadaling pumasok si Nixon sa aming kusina.
b.u.malot ng katahimikan ang sandaling ito,kaya naman hindi ko nalang din pinansin kung ano pa ang gagawin niya.
"Love..." Natigilan ako sa tawag niya.
"Sorry na oh? Hindi mo na ba ko mapapatawad? Alam mo bang hindi ako nakatulog ng maayos? Iniisip ko kasi paano na kung iwan mo ko."
"Hindi naman tayo darating sa point na dapat maghiwalay pa." Bulaslas ko.
"Talaga?Ibig sabihin ba nito pinapatawad mo na ko?"
"Hindi naman kita mat.i.tiis,ikaw lang naman diyan "yong kaya akong tiisin."
Hinawakan niya kamay ko."Hindi ah,sorry na.Okay? Sorry! Inaamin ko naman kung ano kasalanan ko.Okay na tayo? Kain tayo?"
Hindi ko na naman na iwasang ngumiti o kaya kiligin sa ginagawa nito.
"Tao po." Lingon kaagad kami sa pintuan.
"Kuy--" Siyang lapit ni Amir sa kanyang driver at kinuha ang paper bag.Umalis kaagad ito at sinara ni Amir ang pinto.
"Jomel,Nixon,k.u.main tayo.Dalian nyo." Bulyaw niya.Unang lumabas ang kapatid kong matakaw sunod si Nixon.
"Wooow! Ano "yan Kuya Amir?" Tila nagkaroon ng ningning ang mga mata ng kapatid ko.
"Pagkain,k.u.muha ka ng mga lalagyan hangga"t mainit makain natin." Utos nito.
Sumunod kaagad ang kapatid ko habang si Nixon ay inalis muna ang mga gamit sa lamesa namin.
"Wooow Ate! Bagong cellphone ah? Naks." Pang-aasar sakin ni Jomel nang makita sa ibabaw ng lamesa ang Cellphone.
"Bigay ko "yan sa ate mo,dapat noon ko pa "yan ibinigay eh, nagkasakit lang siya."
"Wahhh...Ang yaman talaga ng boyfriend ni Ate,ikaw ba ate, ano na ba naibigay mo Kay Kuya?"
Nagkatinginan kaming tatlo."Wala,alam mo naman na wala akong pera. " inirapan ko nga kapatid ko.
"Okay lang,hindi naman ako humihingi ng kapalit sa lahat naibibigay ko.Ang mahalin lang nya ko ay sapat na."
"Ayieeeee ....Talaga naman ohh...Ang haba ng hair ni Ate!"
"Jomel,umayos ka." Banta ko.
"Hindi kana talaga nagbago Jomel.Bakit ikaw ba walang girlfriends?" Si Nixon naman ang nagtanong dito.
"Girlfriends talaga?" Depensa ko.
"Dapat bang ipagtaka? May itsura ang kapatid mo Best."
"Masama naman ugali,mapang-asar!"
"Gwapo naman..." Banat nitong kapatid ko. "Wala pa kong girlfriends,gusto ko muna mag-aral para makahanap ng mayaman." Natampal ko nalang ang sarili kong noo sa mga sinasabi ng kapatid ko sa dalawa.Grabe,nakakahiya talaga ang ginagawa nya.
"Kailangan magtapos ka muna ng pag-aaral, magtrabaho at mag-ipon,para may maipagmamalaki ka naman sa future girlfriend mo." Payo ng Best ko.
"Tama,tayong mga lalake ang dapat umasenso kaysa sa babae." Sabi ni Amir.
"Ehem." Tikhim ko.
"Bakit Love? dapat kami ang gagastos sa lahat ng ibibigay namin sainyo,iyon ang ibig kong sabihin." Depensa niya.
"Korek,kapag nagkgirlfriend ako lahat kaya kong ibigay." Satsat naman ni Nixon.
"Kaso mapili ka naman sa babae." Sabi ni Jomel.
"Sino nagsabi? May napipili na nga itong puso ko eh." Sakin tumingin."Kaya lang, hindi na rin sya pwede."
"Ay,may boyfriend na?" Si Jomel ulit.
Tumango lamang siya tapos si Amir naman ay tumingin samin dalawa ni Nixon.
"May dapat ba kong malaman?" Usisa nito samin.Tumaas lamang ang balikat ko habang si Nixon ay nakangiti.
"Klea,ssabihin ko sayo, sobrang seloso talaga ako ,kung maaari lang ,umiwas ka sa mga bagay na ikakaselos ko." Matapang na paalala niya sakin.
"W-wala naman,meron ba?" Nauutal kong tanong.
"Bakit,ganyan ka magsalita?"
"Wala,sino naman ba ang kaseselosan mo?"
"Kung sino "yong umaaligid sayo at nagpapahiwatig na gusto ka."
"Wala naman alam mo "yon "di ba? Isang hamak na panget na katulad ko ,gustuhin ng marami? Parang malabo, wala pa ngang nagkakamali sakin "di ba?"
"At ako palang "yon."
"Alam ko,kaya wag kana magselos kung kanino man.Hangga"t hindi kita pinagpapalit sa iba ,maging proud ka "di ba?"
"At isa lang din ang dapat mong malaman.Bad temper ako.Mabilis uminit ulo ko sa bagay na hindi ko gustong makita." Sabay turo Kay Nixon.
"Sigurado ka ba na kaibigan lang ang relasyon nyo nito?" Tamang hinila niya.
Halos matawa ako sa tanong sakin."Ano bang klaseng tanong yan? Magkaibigan lang kami ni Nixon "di ba Nico Lexon?"
"Oo naman!" Inakbayan ako."Bestfriend forever kaya kami nito,wala ng hihigit pa roon "di ba ,Klea?"
"Oo nga,wag mo nga pag-initan si Nixon.Bestfriend is Bestfriend "yon lang yon." Bulaslas ko.
"Good,mabuti naman nauunawaan nyo ang ibig ko.Pwede mo nang tanggalin "yang kamay mo sa balikat ng girlfriend ko." Maotoridad nyang utos.
Itinaas ni Nixon ang kamay,parang surrender kaagad sa ugali ni Amir.Tawa naman nang tawa si Jomel habang pinapanuod kami.
Wala rin akong masabi sa ugali ni Amir. Ang sarap lang maging boyfriend "yong sobrang pinagdadamot ka sa iba.Woow! Parang Prinsesa lang ang ganap ko nito.