Sikat? Check!Mayabang? Check!
Gwapo? Check na check!
Crush ko? Aba, BIG CHECK!
JS PROM ,ang pinakhihintay ng mga estudyante lalo na gaya kong gusto mexperience ito. JS PROM din ang dahilan kung bakit ang buong gabi ko ay masaya.
Sino ba naman hindi kikiligin.
Kasayaw ko ang lalakeng crush na crush ko noon pa. Hawak niya ang beyw.a.n.g ko, habang ang kamay ko naman ay nakpatong sa kanyang balikat.
Ang romantic "di ba?
While romantic music, dahan-dahan kayong nagt.i.tigan sa isa"t-isa. May psmile-smile habang ang isa todo iwas para lang huwag mapansin ang namumula mong pisngi. Hindi mo alam, kung ano pag-uusapan nyo dahil natatameme ka sa mismong harap niya.
GANYAN, ganyan ang pakiramdam ko ngayon.
Kahit true to life, may itinatago akong sikreto. Lihim na hindi dapat malaman ng kahit sino man. Kahit ang lalakeng kasayaw ko ay hindi rin niya maaari malaman ang buong katotohanan.
Tanggap ko rin kung isang araw layuan niya ko. Kasuklaman at the same time, dahil hindi ko siya masisisi. Nagmahal lang naman ako, GINAYUMA ko lang naman siya dahil sa pagiging desperada.
Masama na ba maging desperada? Kung alam mo sa sarili na hanggang ASA ka lang. Iyong maranasan mo na kahit kailan hindi ka pinipili ng taong gusto mo.
Siguro, wala akong pagsisihan kung dumating man ang araw na "yun. Atleast, ginawa ko. Atleast, minahal niya ko. Atleast, naranasan ko man lang marinig sa kanya na MAHAL NIYA KO. "Di ba? Ang sarap mahalin ng taong mahal mo, kahit man lang sa kasinungalingan. Kahit under siya ng Potion.
"Wag ka muna mapaG.o.d ha?" Bulong sa"kin.
"Bakit?" Yung ngiti ko abot tenga.
"Kasi kanina kapa tumatakbo sa utak ko."
"Hindi naman.Hindi ako mapapaG.o.d dahil pareho lang tayong tumatakbo sa mga isip natin." Sabay kaming tumawa ng malakas.
"Yung paa mo ba hindi pa paG.o.d?"
"Nope!"
"Uhm,nakasayaw mo na ba yung kaibigan mo?" Sabay kaming tumingin kay Nixon sa gilid
"Oo naman,Unang una ko siyang isinayaw.Tapos si Blaze ,Si President ,Yung mg----" pinigilan niya mga daliri ko sa pagbibilang.
"Enough na,nauunawaan ko naman na sila ang uunahin mo para ako ang Last Dance mo, tama?"
"Korek!" Hinawakan niya kamay sabay halik dito.
"I love you Love."
"I love you too Love."
Nagsalita ang emcee kasabay nun ang pag-upo namin ni Amir sa bakanteng upuan.
"Cr lang ako." Paalam niya.
"Bilisan mo ah?"
"Oo." Sabay kindat.
"Hi Bestfriend!" Yakap naman si Clarissa habang si Nixon tahimik na tumabi sakin.
"Last Dance mo siya Best." Sabi pa nito.
"Oo naman, ikaw ba ,sino Last Dance mo?"
Sumama ng tingin kay Nixon."May iba pa ba? no choice eh."
Tumawa muna si Nixon."Ikaw kasi,sabi ko naman sayo na ako ang isayaw mo ,ayan tuloy si Blaze pa ang naging Last dance."
"Nag-enarte ka kasi eh!"
"Baka kamo ikaw! Alam ko naman na si Blaze talaga gusto mo,ginamit mo lang ako."
"Hoy!" Hinampas sa braso. "FYI LANG NOH! WALA LANG AKONG CHOICE DAHIL NAWALA KA! KUNG SAN-SAN KA KASI NAGSUSUOT!"
"Ako pa ba ngayon? Hinahanap din kaya kita!"
"Ah ganoon? So, ganito naghahanapan lang pala tayo?nakita kaya kita pinapanuod yung dalawa!" Sabay turo sakin ni Clarissa.
Humalakhak naman si Nixon. "Ede Sige mamaya kapag pwede pa sumayaw sa gitna sasayawan kita!"
Hampas na naman si Clarissa rito kay Nixon,"Bastos ka talaga!"
"Oooop! Nandito pa po ako guys? Mamaya na kayo mag lambingan diyan."
"Anong lambingan?!" Inis na tanong ni Clarissa
"Ang bingi mo,Kambingan daw!" Tawa ng tawa na naman si Nixon.
"d.a.m.n you!" Mura nito.
"d.a.m.n you too!" Nakangising sagot.Inirapan lamang siya ni Clarissa sabay tingin sakin.
"Best.Heto nga pala yung gayuma" palihim na inabot sakin."Last na yan ah? Next month,tama na. Nangako ka!"
"Oo,alam ko." Sumimangot ako.
"Anong mukha yan?" Usisa nito sakin.
"Syempre, malulungkot na yan.Next month,hindi na siya mahal ni Amir." Siwalat ni Nixon
"Kailangan mong gawin yan Best.Kung talagang kayo ede kayo."
"Eh paano kung hindi?" Usisa ulit ni Nixon.
"Tuwa mo lang." Sabay irap naman nito.
"Teka nga, tama na muna yang away na yan.Tulungan nyo ko mag-isip kung paano ko ilalagay itong huling patak sa Juice ni Amir." Lahat kami ay lumingon sa paligid.
Kinuha ni Clarissa ang Juice at b.u.mulong.
"Magpunta ka sa isang kwarto roon." Sabay turo nito sa di kalayuan.
"Baka may tao ah?"
"Wala.Hindi naman magsisipunta roon dahil madilim na."
"Walang ilaw?"
"Meron naman ,kaya lang ingat ka."
Tumayo na ko."Okay, dyan lang muna kayo.Hintayin nyo si Amir, kayo nang bahala kung ano sasabihin okay?"
Sabay silang nagthumbs up bago ako magpunta sa "di kalayuan.Itinaas ko ang aking Evening Gown para kunin sa secret pocket ang Gayuma.Hindi na ko nag aksaya ng oras at inilagay ko ito sa Juice.Itinaktak ko pa para surebol na ubos ,sabay tapon sa lalagyan.Nagmamadali akong b.u.malik ng makasalubong ko si Bruhang Leny.
"Well--well--well--Nandiyan ka lang pala." Sabi ni Leny.
"Ang babaeng ambisyosa." Satsat ng kasama.
"Shut up! Linya ko yan di ba!?" Bulyaw nito.
"Okaaaay."
"Anong ginawa mo sa dilim?" Taas kilay niyang tanong.
"Ano bang pakialam mo?!" Iritable kong tanong.
"Siguro,may katagpong ibang lalake." Sabat naman ng isa pa.
"Boba! May hawak na juice tingin mo makakalandi pa yan!" Bulyaw ng isa sa kasama.
"Pwede ba,magtigil kayong dalawa? Ang ingay nyo!" Saway niya sa dalaw.a.n.g kasama.
Lumapit sakin si Leny.Tinignan ako mula ulo hanggang paa.Umismid ito sabay kuha sa Juice
"Hoy,ibalik mo yan kung ayaw mong mabasag yang mukha mo!!!" Galaiti ko.
"Hmm.Ano bang special sa juice na "to? Kung magalit ka parang masisira ang buhay mo?" Iinumin niya pero ma bilis kong kinuha sa kamay niya.
Nagmamadali akong maglakad papalapit kina Amir.Nakita ko na siya.
"Amir!" Tawag ko kaagad naman ko namang napukaw ang atensyon nila.
Malapit na ko------ konti nalang --- Sobrang lapit na sana nang may pumatid saakin.
Nagslowmo ang buong paligid.Kitang-kita ko kung paano na basag ang baso, at k.u.malat ang Juice sa sahig.
Wala na ang pinakingat ingatan kong huling gayuma.
Tulala akong nakasubsob,pero kaagad akong itinayo ni Amir. Sina Nixon, at Clarissa ay sobrang na bigla sa nangyari.
"Buwisit ka talaga Leny! Bakit mo pinatid si Klea!" Bulyaw ni Clarissa kay Leny na nasa likuran ko pa.
Humalakhak naman ang bruha.
"Nasugatan ka ba?" Pag-aalala ni Amir.
Tumingin ako at maiiyak na."I"m sorry." Yun na lang ang na sabi ko dahil wala na kong pag-asang mahalin niya.
"Bakit ka naman magso-sorry?" Naguguluhan niyang tanong.
"Ako,alam ko." Sabat ni Leny na ngayon ay nasa harapan na namin.
"Ano na naman ba yan ha Leny?" Nabubuwisit na sabi ni Amir.
"Bago ka mainis,pakinggan mo muna ang sasabihin ko." Ngumisi."Yung iniingat-ingatan niyang Juice ay dapat para sayo.Alam mo kung bakit? Dahil nilagyan lang naman niya ng gayuma ang Juice na "yon."
Bulungan ang mga taong nakikiusyoso.
"Leny,pwede bang manahimik ka." Sabi ni Nixon.
"Kapag hindi ako nakapagpigil hihilahin ko yang dila mo!" Galit na banta ni Clarissa.
"Ay, oo nga pala,nandito ang mga kaibigan niyang kunsintidor.Amir ,ginayuma ka lang naman ng babaeng yan!!" Sabay turo sakin.
Litong-lito si Amir habang nakatingin sakin.Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya.
"All this year,lahat ng pinakita ,sinabi at ginawa mo para sa kanya ay dahil yon sa gayumang inilalagay niya sa Juice na iniinom mo.Kaya pala bigla mo kong iniwan,kaya pala bigla mo na lang siyang minahal ay dahil sa pagiging desperada ng malanding babae na yan!!" Bulyaw muli ni Leny.
Mas nagkingay ang lahat, lahat sila ay hinusgahan kaagad ako sa pamamagitan ng kanilang mga mata.
"Hoy! Hinay-hinay ka sa mga sinasabi mo sa kaibigan namin!" Banta muli ni Clarissa.
Ngunit hindi siya pinansin nito bagkus lumapit siya kay Amir at hinimas ang balikat.
"Amir,hindi ka ba magagalit? Ginayuma ka ng babaeng kinasusuklaman mo noon,yung babaeng kinabubuwisitan mo, yung babaeng ayaw na ayaw mong makita noon.GINAYUMA KA LANG PARA MAHALIN MO SIYA."
Hindi ko na hihintayin ang sasabihin nito,masakit sigurado,masakit na susumbatan niya ko,marinig ang panghuhusga saakin.
"Klea!" Tawag nila Clarissa at Nixon.
Malapit na kong makalabas sa Gym ngunit b.u.mukas ang kabuuan ng mga ilaw. Kitang-kita ang mga tao,kitang-kita rin na lumuluha ako.Hinawakan ako ni Nixon sa braso.
"Tama na,Tanggapin na lang natin ang nangyari na "to." Sabi niya sakin.
Humihikbi kong niyakap siya. Bahagyang umugong ang speaker sa apat na sulok ng Gym.
"Klea." Malinaw na malinaw ang boses nito kahit naka microphone.
Humiwalay ako ng bahagya kay Nixon, para makita kung bakit tinawag ako ni Amir gamit ang microphone.
"Kilala ako sa buong Academy. Sikat na sikat ,kung minsan tinitilian pa ng mga kababaihan ,pero simula nung makilala ko siya." Saakin tumingin ang lahat.
"Naiinis ako, dahil isa siyang kulot ,pandak at maitim, masyado siyang "Papampam" May gusto lang sana akong ilinaw sainyong lahat." b.u.muntunghininga siya.
"Klea ,pinamigay mo pala ang mga chocolates." Kunot noo kong tinignan si Nixon.Naalala ko lang naman na chocolates, ay yong galing sa Secret Admirer ko, hindi kaya kilala na niya kung sino?Lumapit siya sakin ngunit hindi na hawak ang microphone.
"Hindi mo man lang kinain ang mga chocolates na pinabili ko kay Blaze." Lumingon ako kay Blaze, habang nakangisi "to.
"At yong mga flowers, nasa locker mo pa rin hanggang ngayon, iyong Jacket na hindi mo man lang ginamit ni minsan."Napatras ako.
"Oo klea ,ako ang secret admirer mo ,alam ko naman na kaming tatlo ni Blaze at Nixon, ang hinala mo.Ginawa kong sulatan din si Clarissa para hindi mo ko paghinalaan."
Lumapit sakin si Clarissa.
"OMG ,Akala ko talaga may secret admirer na ko." Bulong saakin.
"Alam mo ba hindi ko magaw.a.n.g magalit sayo ngayong alam ko na ginayuma mo lang ako?" Tanong niya sakin o sinasabi?
"B-bakit?"
"Kasi noon pa man, gusto na kita." Bulungan ang lahat habang si Clarissa ay gulat na gulat.
"Oo,tama yang mga narinig nyo.Noon pa man gusto ko na si Klea,mula sa pang-aasar ko sa kanya,pangmamaliit ,ang totoo nun ay iniiwasan kong huwag na siyang magustuhan pero tama nga ,kapag nagmahal ka hindi mo na iisipin kung ano itsura niya,hindi mo na iisipin kung ano pa sasabihin nila.Alam ko na Klea na ginayuma mo ko,nong araw na nilagyan mo ng Gayuma ang Juice ko nagkaroon ako ng pagkakataon para iparamdam sayo ang lahat na dapat ginawa ko noon pa."
Napatakip ako ng bibig at halos namilog ang aking mga mata.
"Sobrang saya ko, dahil na sasabi ko rin sayo na mahal kita na hahawakan, nayayakap at nahahalikan. Hiniling ko na sana huwag mo ko mahuli na nagpapanggap lang akong ginayuma mo.Dumating nong araw nakinatatakutan ko, nalaman ni Clarissa ang tungkol sa gayuma.Natakot ako dahil baka hindi mo na ko gayumahin at kailangan kong b.u.malik sa dating masungit at masamang ugali.Sobrang lungkot ko dahil hindi mo na nga ko ginayuma.Tiniis ko, nagpanggap na naman akong hindi kita mahal,pero sa totoo lang hirap na hirap akong magtago na naman sa nararamdaman ko para sayo."
Hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang mga sinasabi nya sa akin ngayon.
"Nung gabing nagpunta ako sa bahay nyo.Sinadya ko talagang magpakita,para makausap ko si Aling Carlota."
"K-kilala mo siya?"
"Oo,kilala ko siya at kinausap na sana magpunta siya sa bahay nyo.Pilitin ka niyang gamitan mo ulit ako ng gayuma.Noong una nag dadalaw.a.n.g isip pa siya pero dahil sa mga pinagdaanan niya dati pumayag ito na ulitin ang mga kasinungalingan."
"Bakit mo ginawa "yon."
"Dahil mahal nga kita." Pagdidiin niya.
"Bakit kailangan mo pang magpanggap? Bakit hindi mo na lang pinaramdam at inamin sakin ang totoo?"
"Dahil na takot ako,kapag ako ang nunang lumapit sayo masisira ang imahe ko sa kanilang lahat. Sino ba ang babagay sa gaya mong kulot,pandak at ita."
"Pero ganoon din naman yon,umamin ka man sakin o dahil sa gayuma ,hinusgahan ka nila. Ah, hindi,Ako lang pala ang hinusgahan nila.Alam mo ba sobrang sakit din para sakin na ganyanin mo ko? Yung ipakita mong wala akong halaga sayo? Tapos ngayon----"
"Klea, Please,ang gusto ko lang naman malaman kung napatawad mo ko sa mga pagsisinungaling ko sayo." Hinawakan niya kamay ko.
"Lahat ng pinaramdam ko,pinakita,sinabi ...Lahat ng yon ay Totoo.Walang bisa ang gayuma ,nasa isip mo lang yon.Umasa ka sa gayuma dahil akala mo wala ng pag-asang mahalin kita,pero mali ka,sobrang mali ka, dahil ako ang unang nagmahal sayo bago mo ko mahalin din."
"Sandali, pinagloloko mo ba kaibigan ko? Amir, tama na pwede? Wala ng gayuma, hindi kana dapat magpanggap na uminom ka ng gayuma para mapaniwala mo siya.Wag mo nang guluhin ang utak ng kaibigan namin." Nabubuwisit na sabi ni Nixon.
"Hindi ko ginugulo utak niya,totoo sinasabi ko, Mahal na mahal ko si Klea,sobrang mahal na mahal."
"Tama na , tapos na ang party. Magsiuwi na kayo." Pagtataboy nina Nixon,at Clarissa sa mga nakiki-usyoso.
Tulala lamang akong naka tingin kay Amir.
"Klea maniwala ka,mahal kita." Pagsusumamo nito.
"Sorry.,sorry talaga,naka epekto lang yan ng gayumang pinainom ko sayo,lilipas din yan."
"Maniwala ka naman."
"Tama na,Tama n--- ako rin nagsosorry dahil ginamitan kita ng gayuma,sorry dahil niloko kita ,pero please ---tama na."
Ako na lumayo,ako nalang din ang tatapos ng kahibangan na "to.Nalaman nang lahat,masama talaga ako sa paningin nila kaya siguro ako na rin ang dapat tumapos nito.
One week akong nagkulong lang sa kwarto.Dinadalhan lamang ako ni Mama ng pagkain,sa tuwing sinasabi ni Mama na nasa labas lang si Amir ay ako na itong nakikiusap na wag itong papasukin,ngunit isang araw si Blaze nakapasok sa kwarto ko.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Dinadalaw ka."
"Wala naman akong sakit ah!"
"Pero ang mga may sakit halos isang linggong hindi lumalabas ng kwarto, kaya tingin ko may sakit kana rin."
"Ano bang kailangan mo? Guguluhin mo lang utak ko eh."
"Hindi ah," Nahiga sa kama ko."Ang lambot ah."
"Pwede ba sabihin mo na kung ano kailangan mo." Pagtataray ko
b.u.mangon siya."Nakokonsensiya kasi ako eh."
"Na ano? Aaminin kana ba na hindi totoo yong sinabi ni Amir?"
"Actually,hindi ganoon.Ako kasi yung pinabili niya ng mga chocolates noon, hindi ko naman alam na sayo pala ibibigay.Sinabi pa nga niya na dapat noon pa niya ginawa yon eh.Hindi ko alam,ikaw pala yon."
Tahimik ko lamang siyang pinakinggan sa mga sinabi niya.Hindi ako makapaniwala na kaagad akong naniwala sa mga kwento nito.Para kasing mga totoo yong kwento niya,tugmang-tugma sa lahat ng mga nangyari dati.
"Bubuksan ko itong pinto, at lalabas na ko.Wag ka na sanang magalit sakanya dahil wala naman siyang ibang minahal kung "di ikaw lang talaga." Tahimik siyang lumabas at pumasok si Amir.
"Klea,kausapin mo na ko.Ikukuwento ko sayo lahat."
"Hindi na kailangan," Sa kisame ako nakatingin.
"Please,Klea."
Tumulo na rin ang aking mga luha."Sorry ah? Kung hindi kaagad ako naniwala sayo,akala ko naman kasi epekto lang yan ng gayuma eh."
"Naniniwala kana bang mahal kita?"
"Oo,Amir.Sorry talaga." Niyakap niya ko ng sobrang higpit.
"Mahal na mahal kita Klea love ko,bakit kaya ganoon?"
"Anong ganoon?" Usisa ko.
"Bakit kaya mahal na mahal kita?" Kinurot ko nga sa tagiliran tawa naman ng tawa.
"This is the last time na sasabihin ko "tong SORRY,
Sorry dahil sa mga ugali ko noon ,sorry sa pagtatago ko ng damdamin."
"Me too,Sorry dahil sa pagiging obsessed ko sayo, ginamitan pa kita ng gayuma kahit hindi rin pala gumama kasi matagal kana palang may pagtingin sakin."
"Wala "yon, Klea Love ang importante tapos na "tong problema natin.Bubuo tayo ng bagong buhay kasama ang mga taong mamahalaga sa ating buhay."
"Sayo lang ako."
"Sakin ka lang,at sayo lang din ako." Hinalikan niya ko sa labi."b.u.maba na tayo dahil kanina pa sila nagkakainan."
"Bakit?"
"Seryoso? Hindi mo alam na birthday ngayon ng Mommy Rita mo??" Nanlaki pareho ang mga mata namin.
"B-birthday niya????"
"Oo, b.u.maba na tayo dahil hinihintay kana nilang lahat."
Pilit niya kong hinila." Bakit?"
"Huwag mo nang gagawin "yon ah?"
"Ang alin?"
"Ang gayumahin ako. Klea , alam kong mali ang ginawa mo. Nauunawaan ko "yon dahil sa mahal mo ko pero-----"
"Ssssshhhh---- Stop, Oo , alam ko na "yon. Kung sinabi mo lang sana noon ede san----"
"Ssssssshhh----- Stop,Oo na, Pareho tayong mali at pareho tayong nagmahal. Wag na tayo magsisihan. Pangako ko sayo hindi na kita bibitawan,mahal kita Klea. Hindi na ko makapaghintay na ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar."
"Sssshh-- Bata pa tayo." Nag-nod sabay cross arm.
"I know ,pero pagmamay-ari na kita,tandaan mo "yan." Hindi ko maiwasan kiligin sa mga huli niyang sabi. Ang sarap naman kasi sa feeling na pareho nyong mahal ang isa"t-isa.
Kompleto ngayon ang buong pamilya. Napaka sarap tumawa mula sa kalungkutan, naging happy kana dahil wala nang problema, nalutas mo na ito ng mapayapa.May mga natutunan ako sa mga nangyari. Hindi naman pala dapat gumamit ng mga gayuma o Potion para mahalin ka ng taong gusto mo dapat ang gawin mo ,pagsumikapan mong mahalin ka niya sa magandang dahilan,sa magandang gawa.Wala naman palang imposible ,mahalin ako ni Amir. Sa katunayan nga, mas mahal na mahal pa niya ko ngayon.Hay ang sarap mag mahal ng alam mong galing sa bigay ng Dios,walang pilitan,walang gayumahan.Thankful talaga ako dahil may isang Jess Amir at isang Klealyn na magkakatuluyan hanggang sa huli.Walang pagpapanggap,walang lokohan.
A/N -- This is not the end. ;)