Lost In LoveHindi ko nalang inintindi ang mga mapanghusga nilang mata.Alam ko naman na walang katotohanan ang lahat ng sinasabi nila laban sakin.
Dumaan ako sa Room nila Amir,wala nga siya roon.Maski si Clarissa,ay wala sa Section nila.Nang marating ko ang Room namin,ang lahat ay nakatingin saakin.
"Mugto ang mata????" Usisa ni Pres.
"Napuyat lang." Depensa ko.
"Napuyat o umiyak?" Bulungan ang lahat.
"Bahala na kayo,kung ano gusto nyong isipin." Walang gana kong sabi.
Naupo nalang ako at inunawa ng pilit ang lesson namin today.Sa buong pag-aaral namin ay wala talaga akong kabalak-balak makipag usap sa lahat,hindi rin ako nagrerecite tulad nang dati kong ginagawa,kaya ng nanpasin ni Ma"am Faustino ay tinawag niya ko.
"May problema ka ba Klea?" Usisa sakin.
"Wala naman po."
Hindi siguro siya na kombisi kaya pinasunod niya ko sa kanya ng magpunta ito sa Faculty.
"Saan ko po ito ilalagay?" Usisa ko.
"Diyan na lang sa table ko." Tugon nito.
Ibinaba ko na rin ang books."May kailangan pa ba kayo ma"am?"
"Wala na."
"Ah Sige po,mauna na ko ,may klase pa po kasi kami."
"Sandali." Huminto ako."May itatanong sana ako."
"Ano po yon?" Nakangiti kong tanong.
"Maupo kana muna." Utos niya.
Pagkaupo ko naman ay tila may kaonting katahimikan namayani sa loob ng faculty.
"May problema ba sainyo ni Amir?"
"Po?"
"Napansin ko kasing umuwi kagabi si Amir na tahimik,kung dati-rati nagkukuwento muna siya tungkol sayo,pero kagabi iba siya."
b.u.muntunghininga ako."Pasensiya na po kung
ako na naman ang dahilan ng lahat.Hayaan nyo po,ayusin namin kaagad ito."
"Hindi maiiwasan sa isang relasyon "yang away at bati. Basta,tatandaan nyo na kapag dumadaan kayo sa pag-subok ay maging matatag lang kayo.Huwag nyong kakalimutan ang pagmamahalan nyo sa isat-isa."
May konting kurot dito sa puso ko,nasasaktan ako dahil akala ng lahat totoo ito,akala nila forever ito,pero kahit saan man tignan ako ang may sala ng lahat nang ito.Ginagawa ko ang bagay na makakasira sa buhay ko.
"Pumasok kana,baka malate kapa sa next cla.s.s nyo.Pagbutihan mo pa lalo ha?"
"S-salamat po,Ma"am Faustino."
Lumabas ako sa Faculty room natulala,sa lalim ng iniisip ko hindi ko naman napansin may pumatid sakin.Buo kong katawan ay b.u.magsak sa sahig.Masakit man ngunit pinilit ko pa rin tumayo upang tignan kung sinong walang puso ang gumawa sakin nun!
"Love?" Nilapitan ko siya."Akala ko ba hindi ka pumasok?"
"Bitawan mo nga ko." Iritable niyang inilayo ang katawan nito sakin.
"Galit kapa ba? Sorry na Love.Sorry,hindi man lang natin na celebrate ang monthsary natin.Sorry ha?"
"Galit? Celebrate ng monthsary? Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
Kunot noo ko siyang tinitigan.
"Pwede ba,wag mo ko tinatawag na Love? Kasi nangingilabot ako sa mga sinasabi mo.Kung anu-ano na naman "yang pumasok sa utak mo kaya,pati pangarap mong maging tayo ay inaasal mo ngayon!"
"ano bang problema mo? H-hindi mo na ba ko mapapatawad?" Yayakapin ko sana,pero iniwasan ako.
"Wag ka ngang umasta na parang may pinagsamahan tayo!" Doon lang yata ako na gising sa katotohanan.
Parang sinampal ako ng isang libong kamay.Dito ko lang din na alala ang lahat-lahat.Hindi ko lang lubos maisip na kaagad agad mawawala ang bisa ng gayuma.
"Hindi ko nga akalain na totoo ngang na gustuhan kita.Marami akong nalaman buhat kagabi.Sa wakas ,nagising na ko sa katotohanan,masaya kana ba? dahil naging tayo kahit man lang tatlong buwan?"
"alam mo? Alam mo na naging tayo?" Takang-taka na ko sa sinabi nito.
"Nakakahiya man, Oo! Pag gising ko nalang kaninang umaga ,bigla na kong na tauhan.Klea ,tama na.Alam ko naman na naging happy ka sa ginawa natin."
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak,umiyak sa harapan niya habang nag mamakaawa na b.u.malik siya.Sa puntong ito bakit pa ba ko umaasa? Ano ba sa palagay ng sarili ko na ganoon lang kadali na b.u.malik siya kahit walang gayuma? Masyado na ba talagang akong desperada para umasang mamahalin pa rin niya ko kahit walang potion?
"Ano bang ginawa mo,at bakit na gustuhan kita? Bakit ba Klea,hindi mo ko tigilan.Hindi ka ba talaga napapaG.o.d? Kasi ako ,paG.o.d na paG.o.d na kong kakaiwas sayo para lang wag kitang makasama at makita."
Inihagis niya sakin ang lahat ng mga sulat.Sulat na galing saming dalawa.Sulat na puno ng pagmamahal.Hindi ko na rin napansing wala na siya sa aking harapan.Tanging ang mapanuyang tingin na lamang ni Leny ang nakita ko habang palapit sakin.
"Sabi ko na nga ba,hindi rin magtatagal mawawala rin ang nararamdaman niya para sayo.Ewan, kung bakit hindi ka mawalan ng pag-asa. Kawawa ka naman Klea ,So paano? Back to reality? Sakin na ulit si Amir ha?" Humalakhak itong umalis.
Kasabay ng malakas na hangin ay tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha sa aking mukha.Ngayon ,wala na siya at tingin ko mahihirapan na naman akong mapalapit sa kanya.Mahihirapan pa ko dahil yong konsensiya ko pana"y ang usig sakin na huwag ko nang ulitin pa ang pagkakamaling hindi na dapat maulit.Nawalan na ko ng ganang pumasok ngunit,sa paalala ni Ma"am Faustino sakin na pagbutihan ko ang pag-aaral ay napilitan na lang din ako.Pinatili kong kalmado kahit sa totoo lang ay nais na ng puso kong sumigaw sa sakit na nadarama.
"Oh my Gulay! Totoo ba "to?" Malakas na sigaw ng isa naming cla.s.smate.
Hindi ko na lang din pinansin ang mga ito pero marami ang lumapit sa kanya upang tignan ang nasa cellphone.Sabay-sabay silang lumingon sakin na parang nagnanais ng kasagutan.
"Anong tingin yan? Mukha ba kong nandaya sa exam?" Usisa ko.
Umiling si Blaze at dahan-dahan binigay sakin ang cellphone niya.
Nakonline siya sa Facebook at sa news feed niya ay nakita ko ang litrato nila Amir at Leny na may captured na "Thanks G.o.d! b.u.malik kana ulit sakin. Hinding-hindi na ko papayag na maagaw ka pa ng mga bruha diyan sa tabi tabi. Hashtag BackAgain."
"Totoo nga ba "to?" Lakas loob na tanong ni Blaze.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat, kaysa sagutin siya.Mabuti dumating ang last Teacher namin,hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na magtanong tanong pa.Sapat na siguro "yon,kung ano ang nakita nila ,dapat gets na rin nila.Ayoko ng magpaliwanag pa,dahil nakakapaG.o.d,nakakawa ang sarili kong tignan ng ibang tao.Sa huli, ako pa rin pala ang talunan,ako pa rin ang uuwing luhaan.Akala ko ba ganoon lang kadali ang lahat, pero mali ako,dapat hindi kaagad ako umasa.