Sayad"Kapag tumila ang ulan ,uuwi na rin po kami ni Nixon." Panay sulyap ni Clarissa sa labas.
"Mukhang hindi naman t.i.tigil ang ulan.Dito na lang kayo matulog." Sabi ni Nanay.
"Agahan na lang natin ang uwi sa bahay para makaligo tayo bago pumasok." Sabi pa ni Nixon.
"Baka po ako ,uuwi na lang po, kahit anong oras tumila ang ulan." Sabat naman ni Amir.
"Hindi na,matulog kayo sa kwarto ni Klea at Jomel.Sa sahig si Jomel ,tapos kayo ni Nixon, ang magkatabi sa higaan." Sabi ni Tatay.
"Okay lang sakin,mas marami,mas masaya." Loko talagang kapatid kong "to.
"Kahit dito na lang po ako Nanay sa sala nyo,Okay lang naman sakin." Muling sabi ni Clarissa.
"Tumutulo diyan,doon nalang kayo,dati naman lagi nyo ginagaw.a.n.g magsleep over.Sige na mahihiga na kami.Klea," tawag ni Nanay."Ipaglabas mo sila ng bagong k.u.mot at unan ha?"
"Opo Nay," Tugon ko.
Iniwan ko na muna sila para maglinis sa kwarto namin.Sobrang dami na naman kasing kalat ,tapos itinago ko na rin yong mga picture namin ni Amir.
"Masaya ka ba?" Siyang pasok ni Nixon.
"Saan?" Tanong ko.
"Ngayon,magkakasama tayong lahat."
"Oo naman,lalong-lalo kayo ng mga bff ko." Nakangiti kong tugon.
"May nakalimutan ka yata? Alam ko naman na kahit hindi ka umamin,happy ka dahil nandito siya."
"Nixon,lubayan mo ko."
"Guilty." niyakap ako.Noon pa nya ginagawa sakin ito.Napaksweet nyang bestfriend.Hinampas ko ito para makawala sa kanyang mga bisig.Sinamaan ko ng tingin bago mahiga sa kama.
"Magpansinan na kayo ni Clarissa. Pwede?"
Umangat ang ulo ko."Sino ba naman nagsabi na hindi kami nagpapansinan?"
"Sus! Alam ko ang mga sayad nyong dalawa kapag war kayo! Lokohin nyo pa ko,kilalang kilala ko na kayo."
"Wala naman sakin ang problema." Sabi ko pa.
Nahiga ito sa tabi habang naka dantay ang kanyang ulo sa kanyang braso.Limang segundo yata kaming nagt.i.tigan bago pa siya magsalita.
"Maganda ka Klea." b.u.muntong hininga."Kaya wag mong sayangin ang oras mo sa taong kailanman hindi ka magugustuhan."
"Kahit ano naman sabihin nyo tingin mo ba makikinig ako?" Kinuha nito ang kamay ko tsaka itinapat sa kanyang dibdib.
"Ito ba ,hindi mo pa rin marinig?" Kukurap kurap akong nakatingin habang ang mukha nito ay seryoso.
"Dugudug---dugudog??" Natatawa kong tugon.Ngumisi siya marahil na tuwa sa sinabi ko.
"Literal naman na tumibok ang puso.Ang ibig kong sabihin ,hindi mo ba na ririnig kung sino ang isinisigaw ng puso ko?"
Wala akong nasagot sa katanungan niya.Ang alam ko nga lang ay meron itong na gugustuhan ngunit hindi ko pa rin alam kung sino.
"Ano? Hindi mo pa rin ba naririnig?" Seryoso pa rin niyang tanong.
"Eh..."
"Hoy! Ano yan!" Siyang dating ni Jomel samin.
"Ang gulo mo Jomel! Nasa moment na yong dalawa eh." Iritableng sabi ni Clarissa.
b.u.malikwas ako at nag babakasaling tumingin si Clarissa,ngunit hindi naman magawa nitong ngumiti man lang.
"Bff ,Pwede ba tayong mag-usap?" Lakas loob kong tanong.
Lumabas lamang ito na wala pang sinabi.Sinundan ko siya.Nakiusap akong sa kusina mag-usap dahil nasa sala si Amir.
"Bati na tayo ohhh,hindi ko kaya na galit ka,kayo na nga lang ang bestfriend ko ni Nixon, lalayuan mo pa ko." Malungkot kong umpisa.
"Sinabi ko na rin sayo na masama ang ginawa mo.Ilang beses ko ba ipapintindi sayo ang lahat ha Klea?Mali,sobrang mali "yang ginawa mo panggagayuma kay Amir.Hindi nga naman alam ng lahat ang ginawa mo, pero sa Dios hindi mo maitatago yang kasalanan mo."
"Oo na,tama na Clarissa, sisingsisi na nga ko oh? Kahit ang hirap ginawa ko pa rin ang dapat." Lumuha na ko."Alang-ala sa pagkakaibigan natin, sige iiwasan ko na siya,hindi ko na siya gagayumahin, b.u.malik ka lang Bestfriend ko." Humikbi kong pakiusap.
Sa puntong ito, pareho kaming umiiyak.Hindi namin matiis ang isat-isa na hindi mag pansinan.Mahal na mahal ko si Clarissa at ayokong iwasan niya ko ng tuluyan.
"Wag mo na gagawin yon ah? May isang tao pa naman diyan na handa kang mahalin kahit sobrang manhid mo." Yakap niya ko.
"Walang nagmamahal sakin, bukod sainyo ni Nixon."Ngumiti lamang ito at tumawa pa ng malakas.
"Okay na tayo,basta "yong bilin ko ah? Wag mo ng gagawin." Paalala niya sakin.
"Oo.PROMISE!"
MASAYA NA KO NGAYONG GABI.OKAY NA KASI KAMI NI CLARISSA.
Natutulog na ang apat ng b.u.mangon ako dahil hindi ako dapuan ng antok.b.u.mangon ako at tsaka uminom ng tubig.Umilaw naman ang aking cellphone, text mula Kay aling Carlota.
"Gising ka pa ba Klea?"
"Opo ,Bakit po?"
"Yung huling gayuma na nasa iyo napinom mo ba sa kanya?"
"Hindi na po eh.Nasa kaibigan ko,at hindi ko alam kung itinapon na ba niya o hindi."
Matagal bago ito sumagot.
"Lumabas ka sainyo,nandito ako sa gate nyo."
Tarantang sumilip ako sa bintana.Si aling Carlota nga ,may mga dala itong bag,lumabas ako ng dahan-dahan.
"Bakit naman po napasuG.o.d kayo ngayon?"Usisa ko.
"May sasabihin sana ako sayo."
"Ano po ba "yon?"
"Nagbago na ba ang isip mo? Hindi mo na bang gustong gayumahin siya?"
"Aling Carlota ,napag-isip-isip ko na wag na lang po.Ayoko kasi dumating sa point na mawala ang kaibigan ko."
"Bibigyan kita ng mga potion.Kahit isang taon pa tapos tsaka mo na tigilan." Takang-taka ako.
"Bakit nyo po ba pinupush sakin "to?" Pag-aalala ko.
"Dahil,alam ko "yong pakiramdam na nagmamahal pero hindi masuklian.Kaya nga nagbenbenta ako nito o kaya nagbibigay dahil mahirap,mahirap yong palagi kana lang nasasaktan."
Hindi ko na naman na iwasang lumuha.Mabuti pa kasi si Aling Carlota ,nauunawaan niya kung ano ang nararamdaman ko.Akala kasi ng iba porket hindi kana pinapansin ng mahal mo ay hanggang doon lang "yon ang hindi nila alam sobrang sakit yung tipong parang sasabog ang puso mo sa sobrang sakit.Iyong gustong-gusto mo ipagsigawan ang nararamdaman mo pero hindi mo magawa dahil maraming mag jujudge sayo. Ganoon na ganoon ang nararamdaman ko ngayon.
"Nagmamalasakit lang ako.Matagal na kayo mag kaibigan ni Clarissa "di ba? Pero niminsan ba na tanong ka nya kung okay ka lang?"
Yumuko na ko at mas nilakas ang pag-iyak.Wala na kong pakialam kung may magising sa mga natutulog gusto ko lang maibsan itong nararamdaman ko para Kay Amir.Baliw na kung baliw . Desperada na kung desperada, pero Mahal na mahal ko siya.