Potion Of Love

Chapter 43

Papasok ako sa School. Marami mga estudyante papasok na rin ngunit mga Fourth year high school lang. Isang linggo na rin walang pasok ang ibang year. Kaya solo ng apat na section ang kabuuan ng campus. Pero kahit wala nang pasok sina Jomel ay naki-usap sa akin na magbike pa rin kami at ihahatid nya ko papasok sa school. Hindi ko matanggihan dahil isa rin ito sa na miss kong tagpo. Iyong papasok sa school kasabay siyang papasok o magbbike.

"Good Morning," bati ng nakakasalubong ko. MaluG.o.d ko itong tinutugunan ng malaking ngiti.

Diretso ako sa locker dala na rin ang isang katamtamang laki ng kahon. Dito ko itatago ang mga aklat, notebook at kung anu-ano pang gamit sa eskwela. Ibinilin ni Ma"am lopez na kunin namin ito bago pa grumadweyt dahil next month may ibang gagamit na rito. Binuksan ko ang locker. Bungad kaagad ang isang sulat na nakapaloob sa puting sobre. Siniyasat kaagad kung kanino galing ito. Isang pangalan ang minsan ko na naging inspirasyon sa apat na taon ko rito sa Tremendous University.

Klea,

Huwag ka sana magagalit kung tahasan akong sumulat sayo. Ga"yong alam mo na rin nagkabalikan kami ni Leny. Ikaw na rin ang sumuko sa relasyon natin. Marahil ay bale wala saiyo kung sino man ang magiging bago ko. Sana masaya kana, sana ay maging okay na rin tayo kahit bilang magkaibigan.

Napasandal ako sa locker. May lungkot akong nararamdaman dahil na isip kong ang tagal na pala buhat ng mahalin ko siya. Kung dati, gigising ako sa umaga para makita siya. At kung dati , Sabik ang mga paa kong itapak ito sa lupa upang nakawin ang sandali na habulin at hanapin. Four years ago, nakilala ko siya. Three years ago , nagpatuloy ang pahanga ko sa kanya. Two years ago ,mas lumalim ang pagtingin ko kahit minsan niya kong ipahiya sa lahat ng tao. One year ago, hindi lang pala crush ang nararamdaman ko kundi love na pala. Nakuha kong gamitan siya ng gayuma dahil sa pagiging desperada. Nalaman ko rin na hindi gumana ang gayuma dahil matagal na pala niya akong gusto. Sa pag-aakala kong magiging maayos kami ay hindi ito naging madali. Akala ko okay na ang lahat pero hindi pa pala. Dumating sa puntong kahit minahal ko siya ng ilang taon, may Papalit at papalit talaga siya sa puso ko. Doon ko mrealize na noon ko pa dapat na isip. Iyong dapat wala pa kong kahati sa kanya. Iyong ako lang ang mahal niya. Ganoon nga talaga ang pag-ibig, minsan para sayo pero madalas hindi itinadhanang kayo.

Napa sobra yata ang iniisip ko. Hindi ko namalayang nakapasok ako sa room namin. Dala ko pa rin ang kahon,habang binababa ito sa ilalim ng upuan ko. Kaonti lang kami  nandito. Siguro nasa gym na sila para magpractice. Pero bago iyon ay lumabas akong muli upang mag-Cr. Sa pagpasok ko sa loob ng banyo ay walang tao. Nakdepende minsan ang Cr ng babae. Kapag inaasahan mo may tao,doon wala at kapag ayaw mo may tao tsaka lang meron. Iyon ang nakaka buwisit kahit hindi mo maipaliwanag ang dahilan. Lumabas ako sa cubicle. Naghugas ako ng kamay pero sakto may pumasok na mga babae. I think nasa tatlo ito, tingin ko rin ay Section C sila. Sana lang wala silang gawin hindi  maganda.


"Hi Klea!" okay, binati ako. So, papansinin ko.

"h.e.l.lo," mga nag-ngitian

"Balita ko wala na kayo ni Amir?" inayos ko ang buhok pero nakalimutan kong wala pala akong suklay na dala. Lumapit siya sa akin sabay abot ng suklay.

"Actually, hindi naman talaga kayo bagay. Oh," pilit inaabot ang suklay.

Kinuha ko ang suklay at nahihiyang nagsuklay sa harap ng salamin.

"Mas bagay sila ni Leny." natingin ako sa reflection ng salamin. "Pareho sila ng ugali," hindi naman siguro. Tsk.

"Bagay talaga sila," satsat ng isa.

"Mas bagay kayo ng kaibigan mo si Nixon. Kaya lang, sila na rin ni Clarissa. Well, bagay din naman sila." okay na sana sabihin bagay kami pero yung sabihin na bagay din sila ni Clarissa parang nawalan ako ng tiwala sa sarili.

Tinitigan ko ang sarili sa malaking salamin. Oo nga"t straight na buhok ko, bahagyang pumuti pero, anong kwenta ng mga ito kung wala sakin gusto ang taong gusto ko. Minsan napapisip kana lang kung bakit ganoon ang ikot ng mundo. Dati may chance pa ko para kay Nixon pero ngayon ay isang napakalabo nang pagkakataon.

Tinapos ko ang pagsusuklay. Kaagad kong ibinalik sa kanya ito. "Salamat,"

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit hiwalay na yung dalawa? Sa tuwing nakikita ko sila dati, ang sweet-sweet pa. Ngayon, na gulat akong iba na pala boyfriend ni Clarissa. Iba talaga kapag maganda noh?" tingin ko hindi siya nang iinsulto. Parang humahanga pa nga ito sa kaibigan ko. Kung tutuusin maganda rin itong babaeng kaharap ko.

"Hindi ko alam eh." denial ko. Baka sabihin chini-chismiss ko ang mga kaibigan ko.

"Natural lang na itago mo ang katotohanan. True friends nga kayo. Sana lang ay ganyan din ang mga kaibigan ko." siyang tingin sa dalawa niyang kasama.

"Don"t worry Sherly, hindi kami traydor. Hindi namin aagawin ang ultimate crush mo." satsat ng isa.

"That"s good,"

"Oo nga. Gusto mo ilakad kapa namin sa President nila para maniwala ka." natigilan itong napagtantong may iba silang kasama.

"Ops, sorry!" nagpeace sign.

"Kaasar ka!" tumingin sa akin yung Sherly.

"G-gusto mo si President?" nakangiti kong usisa rito dahilan upang manula ang kanyang pisngi.

"Ultimate crush, Ultimate gusto, at ultimate love. Ughh, so sweet!" Nagniningning ang mga mata ng dalawa niyang kaibigan habang sinisiwalat sa akin ang katotohanan.

"Aaahhh, magtigil nga kayo. Hindi nararapat na sainyo magmula ang salitang yan."

"Okay po!" hindi ko na pigilan matawa sa ginawa ng dalawa. May pasalu-saludo pang nalalaman. Alam ko na rin naman.

"Klea," ikinahinto ng pagtawa ko. "Wag mo sasabihin sa President mo yun ah?" tumabi sa akin at sinuklay ang buhok niyang maganda ang pagkakakulot.

"I think hindi ka kilala ni President or kung kilala man hind kayo close. Tama ba?" paniniguro ko.

"Ano ka? Bestfriend kaya silang dalawa!" hataw muli ng isang babae.

"Bestfriend?" na gulat kong tanong. Tumango siya ng marahan. "Kung bestfriend ka niya bakit ngayon ko lang alam? Bakit hindi niya na banggit sa akin na may----"

"...dahil ganoon ang kanyang ugali pagdating sa"kin."

"You mean?" hindi ko kuha ang ibig niya.

"Nothing," buong galak niya kong inakbayan. "Klea, tutal kaibigan ka naman ni President mo. Pwede ko ba malaman ang totoo niyang pangalan?" binigyan ko sila ng bakit-hindi-nyo-alam-ang-pangalan-ng-bestfriend-mo-look.

"Kung magbestfriend kayo. Bakit hindi mo alam ang pangalan niya?"

"Kahapon lang sila naging magbestfriend." satsat ng isa.

"Manahimik." pinandidilatan ang kaibigan.

"Ganito kasi yun. Kahapon pauwi na ko sa bahay dahil walang sumundo sa akin at sinabi ni Dad na sa terminal niya ko hihintayin kaya nilakad ko na lang. Sakto dumaan si President mo then isinakay niya ko sa kotse niya. Ang daldal niya samantalang akong out of place."

"Tapos?" sabay-sabay namin tanong.

"Nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay-buhay. Nai-kwento rin niya sa akin na may nagugustuhan siyang babae."

"Talaga? Sino?" nagmamadali kong tanong.

"Yun lang, hindi niya na sabi sa"kin dahil nakarating na kami sa terminal." malungkot kong tinignan sila sa salamin.

"Interesado ka kung sino?" na pansin yata nito ang itsura ko.

"Hindi naman."

"Tingin ko maganda siya at matalino. Tulad niya, gwapo at may utak. Dapat sa kanya nasa Section C "di ba?"

"Mas maganda kung sa Last Section." depensa ko.

"Ganoon? Hmmm..." siniyasat niya ang buo kong katawan at maging ang mukha.

"Hindi kay---- ikaw ang tinutukoy niya?"

"Ang alin??? Yung na gugustuhan niyang babae? Malabo!" taw.a.n.g-tawa ako rito wah.

"s.h.i.t, hindi yun."

"Ay, hindi ba?"

"Ikaw tinutukoy niyang kaibigan niyang masarap kutusan dahil sa katangahan. Oo, tama! Ikaw nga yun. "Di ba tangtangahan ka dati kay Amir with matching potion-potion pang nalalaman. Nyeee--- bigyan mo nga ko at ng magayuma si President nyo."

Jusko! Naalala niyang ginayuma ko si Amir. Hays pero ang hindi ko matanggap ay yung sabihin ni President sa ibang tao na masarap akong kutusan dahil sa pagiging tangtangahan. Humanda siya sa"kin mamaya!

"Don"t worry Klea. Kung ako man ang nasa katayuan mo ay gagawin ko yun sa taong mahal ko. Kung iyon nga lang ang sagot "di ba? Pero grabe noh? Parang pang-telenovela ang pag-iibigan nyo. Mahal kana man talaga ni Amir,tsk iyon nga lang ayaw niya masira ang images nito sa maraming tao dahil hindi kapa marunong mag-ayos. And now? Look, you"re so fabulous. Akala ko nga ay si Nixon ang bago mong boyfriend pero hindi naman pala. Sayang lang,bagay talaga kayo." hihi. Pinalalaki niya ulo ko.

"Pero mas bagay talaga sila ni Clarissa." Ayos! Sabay bawi ng ganoon ah?

May tumunog na cellphone isa sa kanila. "Let"s go. Mag-uumpisa na raw ang practice." sabi ng isa.

Nagpahid ng lipstick si Sherly sabay balik sa bag nito. "See you around Klea. Magtulungan tayo?"

"Ha?" inabot sa"kin ang isang lipstick na color maroon.

"Gift ko sayo. Simula ngayon friends na tayo. TULUNGAN mo ko mapalapit ng husto sa President nyo. Bye,"

Ha? Binigyan nya ko ng lipstick na pink dahil friends na kami? tapos TULUNGAN ko raw siya para mapalapit kay President? Alam ko na, maaaring ginawa niya ito upang mapalapit lang kay President hindi para makipagkaibigan talaga. Pero---- mabait siya, kaya lang hindi ako dapat pakampante.

Lumabas ako sa banyo. Nadaan ako sa C.R ng mga lalake. Nakatayo ang dalawa kong cla.s.smates. Magkabilaan sila.

"Ba"t nandiyan pa kayo? Magprpractice na." nagkatinginan silang dalawa.

"Ah-- kasi-- may hinihintay pa kami sa loob?" hindi sya sure sa sagot.

"Oo nga, tama siya. May hinihintay pa kami." sabi ng isa.

"Bakit diyan nyo hinintay ,pwede kayo pumasok "di ba?"

"Eh kasi-- ano --tapos na kami, matagal talaga siya jumingle." taas kilay ko sila tinitigan.

"Sigurado kayo?" pansin kong may itinatago silang tao sa loob. "Di ko inaasahan may na rinig akong bungisngis ng isang babae???

"Sino yun?" papasok ako pero pigil nila ang kamay ko. "Teka nga, may babae sa loob ng C.R oh?"

"Wala yon. Sa likod ng building lang siguro. Wag ka pumasok dyan. Men"s room yan oh!"

"Kung wala kayong itinatago diyan sa loob, papapasukin nyo ko." inis kong sabi. Nagkatinginan sila.

"Pero hindi nga pwede Klea. Makinig ka naman." tumaas ang tono nito.

"Anong gusto mo, makarating ka pa ito kay Pres.?" pananakot ko.

"Klea naman. Mali yang gagawin mo tapos tinatakot mo pa kami." sabi ng isa.

"Then, papasukin nyo ko."

"Hindi pwede,"

"Okay, tatawagan ko si Pres." kinuha ko ang cellphone sa bulsa.

"h.e.l.lo Pres. Nandito ako ngayon sa C.R ng mga lalake-------" hinatak nila ang cellphone at pilit tinatakpan ang bibig ko.

"Ano ba!!! Bitawan nyo ko!" nagpupumiglas ako. Nang nakahanap ako ng pagkakataon ay pumasok ako sa loob ng C.R.

Walang tao sa loob. Binuksan ko ang bawat cubicle pero wala sa huling cubicle. Kinalibutan ako ng may mga ungol akong narinig. Gustuhin kong dahan-dahanin ang pagbukas sa huling pinto nguni"t padabog kong itinulak yun. Halos matakpan ko ang bibig sa sobrang shocks at ...at hindi ko inaasahan na....na silang dalawa ang makikita ko sa loob. Nakupo si Blaze, habang si...si Clarissa nakapatong sa kanya at wala na silang suot na blouse at T-shirt.

"K-kleaaaaa..." garalgal tawag sa"kin ni Clarissa. Hindi ko magaw.a.n.g tumingin kaya"t tumalikod ako.

"Magbihis kayo," kalmado nguni"t na shocks pa rin sa nangyari.

"M-mag-usap tayo." Sinilip ko at kapwa mayroon na silang saplot. Napapasinghap na lang ako sa mga nakita ko. s.h.i.t, sa dinami-rami ba"t silang dalawa pa?

Sa library , walang mga estudyante rito bukod sa"min. Naki-usap ako kay Mama na hindi aattend sa unang practice ngayong araw. Kanina pa kami nagt.i.titigan ng dalawa ngunit walang may gustong magsalita ukol sa mga na saksihan ko. Ang cellphone nilang dalawa ay nasa ibabaw ng lamesa. Habang nakahalukipkip ko silang binibigyan ng magsalitkayong-dalawkung-ayaw-nyong-magwalako-rito-look. Bago pa mangyaring magsalita ang dalawa ay tumunog ang phone ni Clarissa. Pinandilatan ko siya ng mata,kusa kong sinagot at loud speaker.

"Saan ka ba? Practice na "di ba?" kainis, ang sweet niya pero hindi deserve ni Clarissa pagtaksilan si Nixon.

Sinenyasan ko siyang magsalita at binigyan ng   sagutin-mo-yan-look.

"N-nandito kam---- ako sa Library,"

"Anong ginagawa mo "dyan? Hintayin mo ko. Sunduin kita,"

"S-sige," kusang nawala sa linya. Kainis. Ba"t ba naiinis ako sa dalaw.a.n.g ito.

Mayamaya ay dumating si Nixon. "Oh? Nandito rin kayo? Ano ba meron bakit----"

"Nixon,kasi---" pinigilan ko si Clarissa.

"Kasi nagtataksil ang magaling kong bestfriend na girlfriend mo." mariin kong satsat. Bahagya na ismid si Blaze.

"Ha?" rinig ko ang ingay ng sapatos niya papalapit sa"min. Tumabi siya sa akin at dahan-dahan ibinaba ang bouquet

May pbouquet pa ang boyfriend mo Clarissa. Walangya ka, akala ko pa naman seryoso ka sa kanya, tapos ngayon! Pisti.

"May problema ba?" Ulit ni Nixon sa"min.

"Ano? aamin kayo o ako mismo magsasalita? Grabe, Clarissa, hindi porket kaibigan ko kayong dalawa ni Nixon ay palalagpasin ko ang ginawa mo." gigil kong sabi.

"Ano ba pinag-uusapan nyo?" kainis, magsalita kana Clarissa. Hindi deserve niya maloko.

"Ano?" iritable kong hamon sa dalawa.

"Umamin na tayo," nakyukong siwalat ni Clarissa. "Na patunayan na rin natin kung ano ang totoo..." Siyang tingin kay Nixon,sunod kay Blaze.

"Totoo? Anong totoo?" papalit-palit kong tinignan ang tatlo. Ang itsura ni Blaze parang gusto lang ako pagtawanan,habang si Nixon ay biglang-bigla sa sinabi ni Clarissa.

"Boyfriend ko pa rin si Blaze," siyang amin ni Clarissa

"At girlfriend ko pa rin si Clarissa," sunod na sabi ni Blaze. Papalit-palit kong tinignan ang dalawa. Wala akong makita na dahilan para i-trip nila ako.

Tsaka pumasok sa isip kong taksil ang dalawa kong kaibigan. Mahigpit kong kinuyom ang kamao.

"Eh gagu pala kayo eh! Ano yun? Pinaglaruan nyo si Nixon? Niloko nyo, samantalang mahal nyo pa pala ang isa"t-isa. Ano ba pumasok sa isip nyo at nandamay pa kayo ng ibang taong nananahimik!" okay sumigaw,kami lang naman ang tao rito.

"Wag mo nga ko minumura!" singhal ni Blaze.

"Blaze," kalmadong saway ni Nixon. Napasinghap na lang siya at bubulong-bulong.

Ano ka ngayon? Walang-wala kang laban kay Nixon KO.hihi.

"Bestfriend ,kalmado ka nga. Walang suspect dito at lalo walang biktima. Sa katunayan niyan ay kasabwat namin si Nixon." siyang tanaw sa katabi.

"Clarissa," bulong ng katabi ko.

"Wag na tayo magsinungaling guys,"

"Ba"t kasi nagpahuli kayo?"

"Walang may gusto."

"Kahit na, sira ang plano."

Gulong-gulo ang utak ko at mata ko kakasunod sa pinag-uusapan nila. Pilit kong pinaaamin si Blaze gamit ang paninitig ngunit ayaw niyang magsalita.

"Pwede ba diretsahin nyo na ko?!"

Tanging ingay ng mga fourth year ang naririnig ko mula sa labas ng Library. Wala ni isa ang gusto magsalita at umamin sa kung anong tensyon na mamagitan sa"min apat.

"May problema ba kayo sa"kin?" gusto kong mainis pero pinipilit kong huwag iparamdam sa kanila. "Guys, ano ba? Hindi ko malalaman kung wala magsasalita ,Clarissa," pilit kong tawag sa kanya.

"Klea. Ang totoo nito,wala kaming relasyon ni Clarissa. Usapan lang namin yun para may patunayan."

"Patunayan na ano Nixon?"

"...kung------ kung sino na nga ba ang mahal mo."

"Kung panggapan lang yan. Ano yung nakita kong hinalikan mo si Nixon nung gabing ayain ka niya lumabas?" tanong ko kay Clarissa.

"Hinalikan? Ba"t hindi ko yata alam yun ah?" hala , seryoso hindi alam ni Blaze yun?

"Syempre ,para nga mas kapanipaniwala "di ba? Ano ka ba Blaze," depensa ni Clarissa.

"Sure ka ba na yun lang?"

"Sige pag-isipan mo kami ni Nixon para mabaliw ka. Wala akong magawa na ibang bagay para lalo siyang magselos. Hindi sapat ang salita para pairalin ko ang nararamdaman niya kay Nixon."

"So, anong gusto nyo patunayan?" satsat ko.

"...gusto namin patunayan na si Nixon na ang mahal mo hindi si Amir. Klea, aminin mo man o hindi,kitang-kita namin kung paano ka magselos sa kanila." singit ni Blaze.

"Paano kayo nakasiguro na siya nga ang mahal ko?" buwisit na Blaze ito.

"Tsaka, paano yung away nyo noong nakaraan? Ano yun, acting-acting lang?!"

Ngumiti, "Galing ko noh?" with matching taas kilay. Buwisit, kahit ang layo niya sa"kin nagawa ko siyang batukan ng pagkalakas-lakas.

"Ouch! Klea, ang sakit nun ah! Nakakainis ka! Ugh," himas ang ulo habang nilalambing siya ni Clarissa.

"Klea naman, kung makabatok ka sa Bebe ko."

"Sige,ipagtanggol mo yan."

"Umamin kana lang para walang gulo." mahinang utos sakin ng katabi ko.

"Anong aaminin ko?"  aminin kong mahal na kita? At hindi ko kayang mapunta ka sa iba? No way Nixon, itaga mo man sa bato.

"Sinabi ko sayo dati na marunong ako b.u.masa ng iniisip." tinaasan ko ng kilay. "Mahal mo na ba ko Klea?"

"Ayieeeeeee....."

"Alulululu... Kinikilig si Bestfriend. Ayiiiieeeee."

"Geh, gatong pa!" inis kong bulaslas sa dalawa. "Hindi kayo nakakatulong. Wala akong mapapala sainyo. Diyan na kayo!!"

Pilit kong itinatayo ang katawan pero may dalaw.a.n.g kamay na pumipigil sa balikat ko. Naghuhurementado na ko kakapumiglas tapos dagdag pang inilapit niya ang mukha nito sa tenga ko.

"Mahal mo na ba ko? Kasi ako, mahal pa rin kita." Tulala kong pinapanuod ang ginagawa ng dalawa. Biruin mo, ako itong todo kabado sa ginawa ni Nixon pero sila nagagawa pa kiligin ng todo-todo.

"M-mauna n-na k-ko sa inyo." pwersahan kong itinayo ang sarili. Marahil ay ginaanan niya ang katawan upang makawala ako.

"Klea, sandali.Klea, mag-usap tayo. Hangad kong mas lumalim pa itong nararamdaman natin sa isa"t-isa."  wag kang lumingon. Please, labanan mo ang tukso.

"Klea, Bestfriend... Please, wag mo nang itago ang totoo mong nararamdaman. Wag mo isipin na may kaagaw ka sa akin pero ang totoo wala naman talaga. Ikaw lang ang minahal ko. Simula pa noon at hanggang ngayon. You cannot change what I feel for you. There are so many women I want to get but my heart just shouts and you are. Ilan beses mo pa ba dedeny? Ilan beses mo ko sasaktan kahit mahal mo ko."

"Hindi sa ganoon pero nito ko lang naman naramdaman ito. Tsaka, pwede pa "tong mawala. Pwedeng-pwede pa kita ipagpalit sa iba." nagtama ang mata namin. Tila nangungusap ito na huwag ko siyang sasaktan.

"Imagine, what if sa kakdeny mo sa"kin magsawa ako pero syempre hindi mangyayari iyon. Gagawa ako ng paraan para ipaglaban kita. Wala na si Amir sa buhay mo,malakas na loob ko para ligawan ka."

"Hi-hindi ba parang ang b-bilis?"

Umiling, "Mali ka Klea. Matagal mo na dapat na isip yan. Ang iwanan siya ay isang desisyon na tumama sa buong buhay mo. Hindi na babagay ang tulad niya sa tulad mong mapagmahal. "

"Ang ibig kong sabihin,hindi ba sobrang bilis kung liligawan mo kaagad ako?" na kagat ko ang lower lip.

Hinatak niya braso ko upang yakapin ng mahigpit.

"Alam mo ba kung bakit madalas kitang yakapin dati?" usisa niya.

"Bakit?"

"Gusto ko malaman ang nararamdaman mo batay sa kalabog ng puso mo. Sa nararamdaman ko ngayon, sobra naghuhurimentado yang puso mo. Tama ba ko?" k.u.makawala ako pero ayaw niyang pumayag na mapalayo ako sa kanyang bisig.

"Nixon ,Please."

"Klea, paki-usap ko rin. Huwag ka naman ganyan. Mahirap basahin yang nilalaman ng puso mo kaya ginawa ko ito. Alam ko kung anong piling yung nagmamahal, umaasa at patuloy na nagmamahal pa rin. Ang mahalin ka ay hindi kasalanan. Kung iniisip mo---"

"Pssst, ano bang sinasabi mo?"

"Klea,"

"Nixon, oo alam kong gusto mo pa ko dahil sa ikinikilos mo,pero hindi---"

"Hindi ano? Klea, nagkakaunawaan pa ba tayo ngayon?"

"Ewan ko." Tamad kong sagot.

Naglakad-lakad siya habang nakatingin sa malayo. Tila ang lalim ng iniisip niya. Rinig ko ang pagpapakawala niya ng malalalim na hininga.

"Sana pala hindi na lang namin ginawa ito. Umasa pa kasi ako." umiiyak niyang sabi.

"Umasa akong sa tuwing nakikita kitang nasasaktan kapag magkasama kami,mahal mo na ko. Klea, kung gaano katagal mong minahal si Amir, ganon din ako."

May tumulong luha. May hikbing lumabas sa aking bibig. Anong ibig sabihin nito? Mahal ko na nga talaga si Nixon?

Lumingon siya, "Bakit ka umiiyak? Kung inaalaala mo ang pagluha ko. Wag mong intindihin yun. Wala lang ito sa mga luhang nasasayang noon pang kaibigan lang ang turing mo sa akin."

"Nixon, kaibigan kita. Oo, tama ka. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nasasaktan ka. Hindi mo kasalanan kung minahal mo ko. Tulad mo, kung yung nararamdaman mo para sakin ay hindi sadya. Maski ako, itong nararamdaman ko para sayo...hinding-hindi ko diniktahan."

"Klea....."

"Sigurado na ko. Mahal kita, hindi bilang isang kaibigan. Minahal kita dahil yun ang sabi ng puso ko. I"m sorry ha? Kung noon pa sana,baka hindi ka nasaktan nang dahil sa"kin. Guilty ako sa mga pasakit na binigay ko sayo."

Umiling, "No Klea. Sa bawat araw na nakikita kitang masaya, katumbas na rin yun kung paano mo ko napapaligaya. Ganoon naman talaga "di ba?Maligaya kana kung maligaya ang mahal mo."

s.h.i.t, ang dami kong iyak. Dapat maganda ang scene na ito eh. Dapat wala akong luha. Kaagad kong pinunasan ang luha sa mukha at sumenyas na lumapit siya.

"Tara nga rito."

"Bakit?" kinusot-kusot ang mata gamit ang braso. Para siyang bata na inaway ng kalaro.

"Basta, Sige ka, kapag hindi ka lumapit hindi na tayo bati." nakanguso kong sabi. Lumitaw ang dimples niya at dahan-dahan lumapit sa"kin. Binuhaghag niya ang buhok ko sa ulo dahilan para magmukha akong bruha.

"Para kang bata," tignan mo "to. Matapos umiyak sa harapan ko parang wala lang sa kanya ang nangyari. Ang sarap sa pakiramdam. Sobrang sarap.

Walang salita kong niyakap ang kanyang braso. Hindi siya na kontento dahil siya naman itong yumakap with matching himas sa buhok ko.

"Nagbago na pala plano ko,"

"Ha?"

"Ayoko nang manligaw."

"B-bakit?"

"Gusto ko, tayo na."

"Ha? Yung ganoon kabilis?"

"Bakit hindi? Mahal mo ko gaya ng sabi mo. At mahal din kita. Matagal na tayong magkaibigan marahil ay kilala na natin ang isa"t-isa kaya bakit pa kita liligawan?"

"Hindi masaya....."

"...pero araw-araw kong pasasayahin ang araw mo. Walang ligawan pero oras-oras kong ipaparamdam ang totoong pag-ibig." Ugh, kainis. Bakit ba ang sweet niya.

Humiwalay kami sa isa"t-isa. "Pulang-pula na yang mukha mo." bulaslas nito.

"No way,"

"Siya nga? Tignan mo ohh," dalaw.a.n.g pisngi ko piniga lang niya. Grabe manggigil din itong kaibigan ko eh. Este ng mahal ko.

"Sila na?"

"Siguro, kanina ko pa sila nakikitang magkayakap eh."

"Eh "di ba boyfriend niya si Amir?"

"Oo nga, ang gulo rin ng utak ni Klea eh,"

"Hoy, baka pwede pakilakasan pa para marinig namin pinag-uusapan nyo." Banat niya sa mga dumaan na babae.

"Mabuti pa magpunta tayo sa Gym. Baka mabatas tayo. Last practice na at bukas graduation day  na."

"Napaka gandang regalo. May girlfriend na ko. Yehey!"

"Hoy, sinagot na ba kita?"

"Oo,"

"Kailan? Anong oras? Anong araw at anong----" tinakpan niya bibig ko.

"Ayaw mo?" pinandilatan ako ng mata. Todo iling akong nakatingin sa kanya. "Good girl." Sabay akbay sa"kin.

"Back to reality. Ano nga ba call sign natin?"

"Bata lang?" pang-aasar ko.

"Ba"t ba?"

"Bahala ka nga,"

"Siguro tawagan natin ay CHO tapos MIL."

"CHO AT MIL? BAKIT?"

"CHO means Chocolate tapos MIL means Milk."

"Aba, taba ng utak mo ah? Pero parang ayoko."

"Oh why?"

"Pang-asar sa"kin eh. Ako yung CHO kasi maitim tapos ikaw si MIL dahil maputi ka," litanya ko.

"Ay, hindi ah! Hindi ganoon yun."

"Eh ano?"

"Favorite mo "di ba yung Knik knacks?"

"Oo ,oh ano connect?"

"Flavor chocolate and milk."

"Hala siya, pinag-isipan mo yan ah? Pero ayoko.

"Ayaw mo?" ay ang kulit? Ulit pa. "Kung ganoon ,anong gusto mo?" naglalakad kami patungong gym.

"Ikaw ang Innamorato ko, at ako naman ang Innamorata mo." Sambit ko may ngiti sa labi. Sabay kilig at Hampas sa braso niya.

"Ayos, My Innamorata. Astig." nagniningning ang mata habang ikiuk.u.mpas ang kamay sa kawalan.

"Ganda "di ba?"

"I love you Innamorata." s.h.i.t, Ganito rin naramdaman ko dati kay Amir nung sabihin niya ko ng I love you. So mean, it this is love. I"m feeling right now.

"I love you too Innamorato."

To be continued ,

Innamorato/Innamorata – Italian terms of endearment for boyfriend and girlfriend. Innamorato (Boyfriend)/Innamorata (Girlfriend)

© 2024 www.topnovel.cc