Birthday Gift"Wag mo na lang pansinin si Amir." t.i.tig na t.i.tig sakin."Siguro isa ka sa mga binubully niya noh?"
"Ganoon na nga." Yumuko ako upang ipakitang nahihiya ako sa ginagawa ni Amir.
"Mabait naman sya, pero kapag mang bully "yon sobrang sama.Kahit nakakasakit na wala siyang pakialam.Pagtiyagaan mo sana ang ugali niya."
"Sanay na ko." Ngumiti nalang ako.
"Ganoon ba? Ilan taon kana ba?"
"Eighteen bukas."
"Talaga? Bukas mismo?"
"Oo nga."
"Wow! Kung ganoon dapat pala kitang bigyan nang regalo."
"Hindi na.Ngayon nga lang tayo nagkakilala eh."
"Hayaan mo na lang.Regalo ko na lang bilang bagong kaibigan."
"Hindi na.Huwag na." Dumating naman si Ma"am and Amir.
"Heto na meryenda nyo." Ibinaba ni Ma"am ang tray sa center table.
"t.i.ta Rita ,Birthday pala bukas ni Klea." Bulaslas ni Blaze
"Ah oo nga,"yan din ang dahilan ko kung bakit ko siya pinapunta rito." May kinuha sa bulsa tapos nilabas ang isang kwintas na may singsing.
"Wow! Teka kay Lola yan "di ba?" Sabi ni Blaze naman.
"Oo ,gusto ko lang iregalo kay Klea."
"Bakit mo ibibigay "yan? Kaanu-ano mo ba siya? Alam ba ni Lola "yan?"
"Oo,alam nya.Habilin niya sakin na ibigay ko ito sa taong nag bibigay ng dahilan sa"kin kung bakit nabubuhay pa ko." Makahulugang wika ni Ma"am Faustino.
"Bakit hindi kana lang mag-asawa at gumawa ng anak? Bakit sa kanya mo pa ibibigay?"
"Dahil parang anak ko na rin si Klea.Ano bang problema mo rito Amir?" Tila magtatalo na ang dalawa ng magsalita ako.
"Mabuti pa siguro kung umuwi na lang ako ma"am.Magkita na lang tayo sa Monday."
"Suotin mo muna ito." Akmang isasabit na sakin ni Ma"am ng hablutin ito ni Amir.
"Wala siyang karapatan para suotin ito.Walang dugong Faustino ang nana.n.a.laytay sa kanya kaya please t.i.ta! Stop this.Hindi nakakatuwa.Pwede naman iba na lang ibigay mo ,wag lang ito." Ibinulsa niya ang kwintas at tsaka umakyat sa second floor nila.
"Pasensiya kana sa batang yun. Sana sanay kana sa ugali niya."
"Sanay na po talaga ako.Aalis na po ako ma"am." Tumingin ako Kay Blaze."Mauna na ko.Salamat. "
"Sige,Ingat ka." Tugon niya.
Sinabayan ako ni Ma"am Faustino sa paglalakad palabas ng bahay nila.
"Pasensiya na talaga Klea.Pagsasabihan ko na lang si Amir."
"Wag na po maam.Baka lalo lang siya magalit sakin eh.Sige po mauna na ko."
Naglakad na ko palayo.Nag offer pa siya na ihahatid ako pero tumanggi na ko.Ang dami na niyang naitulong sobrsobra na siguro yun.Tumawag ako kay Nixon na sunduin niya ko sa kanto.Wala pa yata ilang segundo nandoon na siya.
"Bakit malungkot ang kaibigan ko?" Pansin sakin.
"Nakakagulat kasi yung nalaman ko."
"Ano naman "yon?"
"Magkamag-anak pala si Ma"am Faustino at Amir? Grabe,ngayon ko lang naisip "yon ah?Akala ko masyado lang silang close kapag nakikita kong magkasama."Humalakhak ito sabay hampas sa manibela.
"Ngayon,alam mo na?"
"Oo." Naka nguso kong sabi.
"Laging dumadaan si Ma"am Faustino sa room namin para sumabay kay Amir."
"Talaga? Ano pa ba nalalaman mo sa buhay ni Amir? Bukod sa cla.s.smates kayo?"
"Bakit ko naman sasabihin?"
"Sungit mo!" Sinuntok ko nga sa braso pero tawa lang ang sagot."Paano kaya nalaman ni Amir yong number ko?"
"Bakit nagtext ba sayo?"
"Oo kagabi pa."
"Ah! Kaya pala tulala ka dahil nag text sayo at ano naman ang sinabi?"
"Tungkol lang naman Kay ma"am."
"Ano pa?"
"Wala na."
"Parang meron pa!"
"Wala na ah!"
"Sure? Alam mo bang marunong akong makabasa nang iniisip."
"Wow! Talaga? So pareho pala tayo." Pagsasakay ko sa biro nya.
"Ganoon ? Kung pareho tayo bakit hindi mo naiisip yung iniisip ko ngayon,yung panahon na lagi tayo magkasama katulad ngayon?"Nagsalubong ang kilay ko sa mga sinabi niya.
"Ano ba yong iniisip mo?" Usisa ko naman.
"Akala ko ba marunong ka mag basa ng iniisip bakit nagtatanong ka ngayon sa"kin?"
"Syempre, Joke lang "yon! Sinasakyan ko lang naman ang biro mo!"
"Wee?" Saglit kami natahimik."Saan mo ba gusto magpunta?"
"Ahm, ikaw na bahala.Libre mo naman eh."
"Okay.Dito na lang tayo." Inihinto niya sa tapat ng isawan.Nanlaki ang mata ko dahil sa iba"t-ibang isaw, Barbeque ,Adidas ,betamax at kung anu-ano pang ihawin. b.u.maba kami sa kotse para pumili ng kakainin.
"Hmmm ang sarap!" Bulaslas ko ng makilan na kong kain ng leeg ng manok.
"Try mo "tong betamax." Inabot sakin pero tumanggi ako."Ayaw mo?"
"Ayoko ng dugo."
"Okay." Binalik ang betamax sa ihawan tsaka pinalitan ng isaw ng baboy.
"Yan! Mabuti pa "to masarap." Kinuha ko at tsaka isinawsaw.
"The best "tong regalo mo sakin Nixon." Isang linya ang mga nagt.i.tinda rito sa plaza ng mga nag iihaw.Kaya naman ang dami ring taong k.u.makain dito ,parang lilibang na rin.
"Klea?" Hindi na tuloy ang pagkain ko ng isaw ng may tumawag sakin at kinilala ng husto.
"Blaze?" Hindi ako maaaring magkamali. Kulay sa buhok at hikaw sa kanang tenga niya ay madaling palatandaan na siya yon.
"Mahilig ka pala mag isaw?"
"Ah oo! Libre ng kaibigan ko." Sabay turo ko Kay Nixon.
Nag high five ang dalawa na sadyang pinagtataka ko.
"Magka band mate kami." Sagot ni Nixon kahit di pa ko nagtatanong.
"Ngayon ko lang nalaman na may kaibigan ka palang babae Nix." Ani Blaze.
"Oo naman.Teka, ikaw lang ba ?" Usisa rito.
"Kasama ko si Amir." k.u.mabog ang puso ko."Nasa loob ng kotse." Sabay tingin sa paradahan ng sasakyan.
"Bakit hindi b.u.mababa?" Usisa naman ni Nixon.
"Hindi naman yan k.u.makain ng ganito---"
Ah okay.Mayaman kasi kaya "di siya magkakinterest k.u.main ng pagkaing kalye.Mabuti pa tong dalawa na "to walang arte. Pinanuod ko ang dalawa kung paano lumamon ng betamax ,isaw ng manok.Grabe di mo iisipin na may kaya ito sa buhay dahil nakikipag sabayan sila saming mga mahihirap. Sabay silang lumingon sakin at inabutan ako ni Nixon ng Isaw habang si Blaze ng betamax. Aabutin ko sana yung hawak ni Nixon pero may naka una sakin. Si Amir ! Isinubo kaagad nya ito tapos tsaka ulit kinuha ang panibagong naka salang sa ihawan.Akala ko ba hindi siya k.u.makain ng ganito?
"Dude,hindi ka rin naka tiis noh!" Si Blaze.
"Ang tagal mo kasi!" Seryoso itong k.u.makain habang nakapameyw.a.n.g ang isang kamay.
"Tapos na rin naman ako eh.Tara na sa Starbucks."
"Wait lang.Masarap pala itong isaw." k.u.muha muli ng dalaw.a.n.g piraso.
"Tama na yan Dude! Mahina ang tiyan mo sa ganyan." Pigil ni Blaze.
"Okay,tapos na." Kinuha niya ang wallet at inabot sa tindera."Bayad po "yan sa kinain naming lahat.Keep the change na lang po." Walang lingon-lingon, b.u.malik siya sa kotse niya.
"Nix.Sama kayo sa Starbucks doon tayo sa mall."Aya ni Blaze.
"Ah sige sunod kami." Naiwan kaming dalawa ni Nixon."Oh wag masyadong obvious ha?" Pang aasar sakin.
"Grabe ka sakin."
"Baka kasi obvious ka mamaya eh.Makakasama natin siya."
"ASA." Iniwan ko na lang at sumakay sa kotse.
Sumunod nga kami sa mall at diretso ng Starbucks. Nakita namin na may table kaagad na nakita sina Amir.Tumabi ako kay Blaze dahil kung sa kabila ako mauupo i"m sure na siya ang katabi ko.Sabi nga ni Nixon wag masyadong obvious, magpapakipot muna ako this day.
"Ako na oorder." Tumayo si Nixon.
"Samahan kita.May chicks kasi akong nakita." Siwalat naman ni Blaze.
Ibig ko sanang matawa dahil sa sinabi niya kaso napagtanto ko na kami lang ang naiwan ni Amir. t.i.tig na t.i.tig nga siya sakin pero yong t.i.tig na parang mananakmal? Ilang sandali lang at b.u.malik na rin sina Nixon.
"Inorder ko sayo Klea
Dark Mocha Frappuccino®." Sabi sakin.
"Okay no problem." Aniko.
Wala pa rin ilang sandali at tinawag ang mga pangalan namin.Yung dalawa pa rin ang tumayo para kunin ang orders.
"Dude White Chocolate Mocha Frappuccino® for you." Abot ni Blaze Kay Amir.
"At sakin naman Signature Hot Chocolate." Litanya pa ni Blaze.
Inabot sakin ni Nixon ang order ko."Klea Dark Mocha Frappuccino® for you." Binigay sakin.
"At sakin naman Green Tea Cream Frappuccino®."
"Salamat."
"Ohh teka!" Sisipsipin ko na sana yung order ko ng pinigilan ako ni Blaze.
"Bakit Amir ang nakalagay sa cup mo?" Usisa niya kaya naman hinanap ko at oo nga! Amir nga. Nakita namin sinisipsip na rin ni Amir ang order nito na may pangalan ko.
"Ayos nagkamali ng pangalan." Wika ni Blaze.
Nahihiya naman akong tumingin pero si Amir naman nag parinig.
"Ano naman ? May kaso ba yon?"
"Wala naman Dude nakakatuwa lang."
"Walang nakakatuwa Dude." tumikhim siya dahil tulala na naman ako sa mukha niya.
"Well nakakatuwa naman talaga Amir dahil opposite kayo pagdating sa taste. Si Klea kasi type niya ang dark pero ikaw naman white." Bulaslas ni Nixon.
"What ever." Pagkatapos niyang sabihin "yon ay bigla naman napa hawak siya sa kanyang tiyan.
"Okay ka lang Amir?" Pag-aalala ni Nixon. Para akong nagpapanic dahil sa pinagpapawisan ito ng marami.
"Ayan... Sinabi ko na nga ba at mangyayari "to eh." Inalalayan siya ni Blaze patungong comfort room.
Naiwan kami ni Nixon. "bakit?" Usisa ko.
"Baka sumakit yong tiyan. Mahina kasi ang sikmura niya sa mga street food."
"Ganoon?" Nag-aalala naman akong tinanaw ko ang CR.
Sana okay lang siya.
Humahangos naman lumapit si Blaze saming table.
"Klea ,Nixon. Mauna na kami umuwi ni Amir ha? nag papauwi hindi raw niya kaya yung sakit."
"Teka. Dalhin natin hospital." Tumayo si Nixon.
"Hindi na. Makakapag-pahinga rin siya bahay."
"Eh tulungan na rin kita umalalay."
"Kahit wag na rin." Tumingin sakin."Paakyat na rin naman yung mga bodyguard namin."
"May bodyguard kayo?" Usisa ko.
"Oo . Lagi yun naka convoy samin. Mauna na kami ha? Pasensiya na Klea and Nixon."
"Okay lang Dude !" Nag high five ang dalawa."Sige.Unahin mo na ang pinsan mo." Hinawakan naman ang aking palad ni Nixon kaya napatingin si Blaze sa kamay namin.
"Sige.Next time.Ulitin natin "to." Paalam niyang may ngiti.
Dumating na rin ang body guard tapos inalalayan nga nila si Amir na parang nawalan ng lakas. Nakakawa naman this boy. Marahil napa sobra ang kain niya tapos hindi pa nga sanay ang tiyan niya sa pang mahirap na pagkain. Paano nalang kung mapangasawa ko siya? Lol!
"Bakit kasi nakipag sapalaran pa siyang k.u.main ng isaw kung alam niyang ganito mangyayari? Pasaway." Sambit ni Nixon ng maupo ito.
Malungkot akong tumingin sa Frappuccino ni Amir. Sayang hindi man lang niya na ubos. Ang mahal kaya nun! Katumbas na yata "yon ng ilang dosenang 3 in 1 eh! Kung alam ko lang ganito mangyayari dapat pala hiningi ko na lang "yong perang pinang bili sa orders nila.
"Ubusin mo na "yan." Bulong ni Nixon.
"Okay." Sinipsip ko na lang habang naka t.i.tig sa kanya.
"Maaga pa." Tumingin siya sa relo."Saan ba tayo pupunta?"
Nag ikot ikot muna kami hanggang sa nag sawa sa mga nabili ng kung anu-ano. Mabuti nga siya hindi problema sa kanya ang pera, okay lang kahit gumastos nang gumastos.
"May bibilin pa pala ako." Sambit sakin.
"Ah sige. Mag CCR lang ako tapos hintayin na lang kita sa kotse." Inilahad ko ng palad.
"Ano?"
"Susi , Paano ko mabubuksan ang kotse kung na sayo ng Susi."
"Ganoon?" Nag isip."Baka takasan mo ko." Bahagya b.u.muka ang panga ako.
"Bakit ko naman gagawin "yon? Hindi nga ko sanay mag drive eh." Naka nguso kong sabi.
"Malay mo kung bigla kang natuto."
Sinimangutan ko nga."Ano "yon sa mabilisang paraan?
"Joke lang." Piniga ang pisngi ko."Oh heto.Alam mo naman kung paano buksan yung aircon non di ba?" Tumango ako."Good. Saglit lang naman ako." Ngumiti kami sa isat-isa.
Nag lakad siya palayo sakin habang ako naman ay pumasok sa Cr. Saglit lang naman dahil walang gaanong pila. Naka punta kaagad ako sa bas.e.m.e.nt at binuksan ang kotse.Gustong-gusto ko ang loob ng kotse ni Nixon kaysa Kay Clarissa. Mas malinis kasi kotse nito. Lagi pa may stock na pagkain. Naalala ko noon sabi niyang para talaga sakin yong stocks niyang pagkain dahil alam niyang mainipin ako sa byahe. Ten minutes after nang dumating si Nixon may bitbit itong paper bag. Pagka pasok niya kaagad inabot sakin.
"Regalo ko."
"Hindi pa ba regalo yong mga binigay mo sakin?" Nilingon ko ang mga shopping bags sa likod.
"Heto talaga ang pinaka regalo ko sayo. Buksan mo." Utos sakin.
"S-salamat Nixon. Ang bait mo talaga. Salamat."Sumenyas itong buksan ko nalang at shocks! Grabe! Halos di ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Panasonic AU- EVA1 ! Nixon sigurado ka ba rito? Regalo mo sakin? Di nga? !" Mangiyak-ngiyak kong usisa sa kanya.
"Yes!" Gamit ang kanyang braso ay parang nag tagumpay siya sa kanyang mismo."Napa saya rin kita Klea! Yes ! Ako ang dahilan ng pag- luha mo!"
"Bakiiit ?" Tumulo na luha ko.
"Pangarap ko talaga na makita kang umiiyak dahil sa saya. Pangarap kong sumaya ka sa mismong kaarawan mo. Ang tagal kong pinag ipunan yan."
"Seryoso ka ba? Eh parang barya nga lang sayo "to eh." Bago ito magsalita niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Salamat Nixon! Hindi mo lang alam pero sobra akong masaya. Wag ka sana mawawala sakin o samin ni Clarissa. Hindi man sa materyal na bagay kita na gustuhan kundi sa bagay na alam mong makakapagpasaya sakin. Thank you for making me happy kahit maraming asungot sa buhay ko. Salamat, Salamat talaga bestfriend."
Niyakap na rin niya ko."Wala "yon. Lagi mo lang tandaan na nandito ako o kami ni Clarissa para sayo. Gusto namin ang kaibigan katulad mo dahil totoo kang tao. Hindi mo kailanman kami niloko pagdating sa pera. Hindi mo pinakita samin na yaman lang ang nais mo kaya kinaybigan mo kami kung hindi naging mabuti kapa nga ng dumating ka sa buhay namin. Akala nga namin magiging boring ang buhay namin dahil pera lang ang makakapagpasaya samin pero nong dumating ka ,lahat nag bago,lahat binalewala namin ang halaga dahil pinakita mo samin na mas mahalaga pa rin ang pakikipag kaibigan kaysa sa pera."
Pumikit ako at dinama ang bawat litanya niya sakin.Ewan ko ba kung bakit damang-dama ko yung mga binitawan niyang salita.
"Thank you Nixon. Kahit nga wala na "to eh. Masaya na ko dahil may dalawa akong kaibigan."
"Pag papasalamat lang yan Klea. Wag mo sana isipin na dinadaan ka namin sa materyal na bagay ha?"
"Ah hindi ah? Nauunawaan ko naman. Masaya sana kung nandito si Clarissa baka ang ingay nun dito. Teka.Picture tayo!" Mabilis naman siyang ngumiti at nag picture kami.
"Heto ang unang picture sa Panasonic ko kaya hindi yan dapat ma bura." Mayamaya lang at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Ang ganda talaga ng kaibigan ko." Bulong nito.
"Hala. Naglokohan na naman. Seryoso nga tayo ngayon di ba? Eto talaga." Habang binabalik ko ang camera sa lalagyan.
"Maganda ka Klea. Hindi lang nila makita dahil sa pisikal sila tumitingin pero kung mas kikilalanin ka nila mas mauunawaan nila kami kung bakit kinaybigan ka namin."
"Sana all." Nangingiti kong sabi."Sana all katulad nyo." Patuloy ko.
"Pero hindi lahat ay ganito." Piniga niya ang kamay ko."Happy birthday Klea."
"Salamat Nixon."
"Ihahatid na kita.Baka hinahanap kana nila Nanay at Tatay."
Isa pa tong dahilan kung bakit natutuwa ako sa kanilang dalawa. Kasi naman, tawag din nila sa magulang ko. Nanay at Tatay din. Nakakataba kaya ng puso kapag kompotable kana sa mga kaibigan mo.
"Ay ate ang bongga naman "yan! Regalo ni Kuya Nixon?" Usisa ni Jomel ng ilabas ko ito upang pag-aralan.
"Oo."
"Wow! Sana birthday ko na rin para regaluhan niya ko ng ganyan.Kainggit."
"Jomel ,Matagal pa birthday mo kaya konting tiis." Panunukso ni Tatay.
"Kaibigan ka ba ni Nixon? Ang ate mo ang kaibigan niya hindi ikaw kaya wag kang umasa dahil masasaktan ka lang." Pang gagatong ni Nanay.
"Grabe talaga kayo sakin noh? Wag kayo mag alala hahanap ako ng kaibigan na mayaman. Tulad nila Ate Clarissa at Kuya Nixon."
"Jomel ..Tandaan mo na kaya ka humahanap ng kaibigan dahil para may malapitan ka kapag malungkot hindi para utangan o hingian ng mga materyal na bagay." Payo ko sa kapatid.
"Mabuti kapa."
"Madami ka naman kaibigan ah?"
"Mayaman ba? Eh kapag nga sa gastusan lagi na lang ako ang taya."
"Ay kawawa." Bulyaw ni Tatay.Kaya naman nag tawanan kami.
"Grabe kayo!" Reklamo ni kapatid.
"Isa lang ibig sabihin nyan Jomel.."
"Ano ate?" Nag niningning ang mata.
"Mabuti kang kaibigan kaya wag mo sila iiwan." Matawtawa kong sambit.
"Wahhh kainis kayo! Pinagkakaisahan nyo na naman ako."
"Matulog na nga kayo." Pinatay ni Tatay ang ilaw sa sala. "Ilock nyo yung pinto." Paalala nito bago sila pumasok sa isang kwarto.
"Ate... Hanap mo ko ng kaibigan na mayaman ha? para naman hindi ako nagiging pulubi kapag magpapalibre na mga kaibigan ko."
"Kasasabi ko lang hindi ka dapat tumitingin sa ganoon bagay."
"Ede joke lang!"
"Ilock mo na pinto at matutulog na ko." Niligpit ko na ang camera tsaka pumasok sa kwarto."Sumunod kana lang dito sa kwarto ,pagpasok mo patayin mo ilaw ha.Hindi ako makakatulog kapag may bukas na ilaw." Patuloy kong paalala kahit di ko naman alam kung nakikinig.
Nahiga na ko at nag muni-muni.Nat.i.tiyak kong magiging masaya ang kaarawan ko bukas.Kahit walang handa ,okay lang ! Ang mahalaga naman dito mag bi-birthday pa rin ako.
Good night Nixon
Good Night Clarissa
Night Nay ,Tay at Jomel.
I love you Amir.
Huli kong sabi bago maka tulog.