Third Person"s P.O.V.Nakatulog si Lynn sa loob ng kotse habang sila ay nagbibiyahe. Maymaya pa ay hininto na ang kotse, at ginising ni Marx si Lynn, "Nandito na tayo."
At sa pag-gising ni Lynn, dumungaw siya sa bintana, nakita niya ang napakalawak na lupain at nag-gagandahang mga kastilyo sa kalayuan.
Tinanong ni Lynn si Marx, "Umaga na pala. Ang haba ng nilakbay natin."
At pagbaba ni Lynn ng kotse, nagulat siya sa nakita niya, ang napakalaking palasyo. Kaya siya nagtataka, "Marx, anong ibig sabihin ito? Saan mo talaga ako dinala? Anong lugar ito? Nasa Maynila pa rin ba tayo?"
Sumagot si Marx, "Dito sa kaharian natin, hindi Marx ang pangalan ko. Tawagin mo ako sa pangalang Amarillo. At ikaw naman ay si Kondesa Floresca, ang kaisisang anak ni Konde Almandite."
Umiling si Lynn dahil hindi siya makapaniwala, "Hindi ito maaari. Bakit mo ako dinala rito? Niloko mo lang ako. Nagpangap ka. Isa ka palang Dalaketnon."
Sumagot ng pabalang si Marx, "Dalaketnon ka rin, Floresca. At hindi maglalaon, tayong dalawa mamumuno ng kaharian na ito. Iiwanan mo na ang mundo ng mga tao. At ito na ang tamang panahon."
Hinila ni Marx si Lynn papasok sa loob ng palasyo. Dinala niya sa isang function room, kung saan ginanap ang malaking pagt.i.tipon or salu-salo ng mga Dalaketnon.
"Naalala mo ba ang lugar na ito? Dito kita madalas sinasayaw. Nasisiyahan ka pa nga, hindi ba? At gustong-gusto mo na magkasama tayo? Ito na ang tamang panahon na magsasama tayo." sabi ni Marx.
"Tama na! Alam ko na ang katotohanan. At pinahamak mo pa si Marcux para makuha mo lang ako. Napakawalang-hiya mo talaga!" galit niya.
"Hindi ako ang may gawa n"un. Si ama ang nagutos n"un. Ngayon, kakausapin natin sila na tangalin ang sumpa kay Marcux pero sa isang kundisyon. Magpakasal ka sa akin. Kakalimutan mo na ang buhay mo sa mundo ng mga tao. Tayo ay para sa isa"t isa. Para sa ganun, wala ng ibang mahal mo sa buhay masasaktan. Hindi sila t.i.tigil hanga"t hindi ka pumapayag na maging isa ka sa amin." pakiusap niya.
"Napakunfair ninyo! Kasalanan ba ng nanay ko na umibig sa katulad niyo. Hindi naman, di ba? Bakit niyo idadamay ang buong kamag-anak ko?" pasinghal niyang sagot.
"Mamili ka. Ang buhay nila, o tutuparin natin ang tinakda. Na tayo ang babalanse sa kaharian natin." pakiusap pa ni Marx.
"Ayaw ko! Dahil napakasamang ugali mo. Maski taglupa si Marcux, alam kong mabuti siyang tao. At mahal niya ako!" mariin na sagot ni Lynn.
At parang may dumating na sumpa sa kaharian ng Dalaketnon. Heto na ang kanilang kinakatakutan. Nasira na ang balanse ng kaharian. Tumiwalag na si Kondesa Floresca sa pagkakasunduan ng dalaw.a.n.g pamilya.
...