Potion Of Love

Chapter 10

Pangarap ko

Naupo na ko habang tagaktak ang pawis.Inabutan ako ni Pres ng panyo,ngumiti lamang ako at tumayo.Pinapamigay na kasi ang mga foods.Bago ako makalayo hinawakan ni Pres ang palapulsuhan ko.

"Sabi ko naman sayo na hayaan mo na lang sila na k.u.muha ng kanilang tumbler."

"Kukunin ko lang tumbler ko." Ngumiti kami pareho.

"Okay.Go ahead."

Hinanap ko kaagad ang tumbler sakto naman nakita ko rin yong Kay Pres.

"Babe,Heto "yong Tumbler mo!" Lakas ng sigaw ni Leny ang dahilan para mapansin ko silang dalawa ni Amir na magkatabi.

Litong-lito naman ako sa inaasta ni Amir habang nakatngin sakin.Lumayo na ko sa kanila dahil itong si Leny napansin kaagad ang paninitig ng boyfriend niya sakin.

"Pres ..." Abot ko rito

"Wow! Thanks Klea." Inabutan niya ko ng Pizza.

"Hindi na.Busog pa naman ako."

"Sigurado ka?"

"Oo." Hinahanap ko si Amir kung nasaan na.Kailangan nasa harap niya ko habang iniinom ang Juice.

"Klea? Okay ka lang?" Bulaslas ni Pres.

Tumingin ako sa kanya."Ha? Oo naman.Hinahanap ko lang "yong kaibigan ko." Sabay ko naman nilingon sa pwesto ni Amir.

Nandoon siya,hindi pa iniinom ang Juice. Kausap siya ng mga barkada nito ngunit sakin lamang nakatingin.Umiwas ako ng tingin,kanina ko pa talaga napapansin na ganyan siya.Bakit naman kaya? Tumayo ito at umalis na nag-iisa.

"Ah Pres ,may hahanapin lang po ako." Paalam ko kaagad.

Sinundan ko si Amir hanggang sa makarating kami rito sa Field kung saan wala pang mga estudyante na naglalakad-lakad.

"Amir." Mahina kong tawag.

Pagharap niya ay gulat na gulat ito ngunit napansin ko rin na hindi pa niya iniinom ang Juice.

"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ko?" Nawalan ako ng kibo.Pinangako ko nga pala na hindi ko na siya susundan.

b.u.muntunghininga siya tapos uminom ng Juice.Nanlaki ang mata ko sa wakas nasa harap niya ko habang umiinom ng Juice !

"Ah,nakakuhaw." Wika nito matapos uminom.

Nagawa ko rin uminom ng Juice sa sobrang pagkuhaw ko sa kanya.

"May sasabihin ka ba?" Usisa niya habang hinihigop ang Juice.

"W-wala." Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo pero dahil hinila niya ang kwelyo ng uniform ko hindi tuloy ako nakalakad ng mabuti.

"Alam ko na ang totoo."

"T-totoong anooo?" Kinakabahan ako wah.

"Okay,Sorry." Sabi niya.

Kunot noo akong tumingin."Bakit?"

"Sorry dahil pinag-bintangan kita.Pinatawag na kami kung sino "yong nagpakalat ng picture natin."

"Ahhhh."

"Yon lang?" Tila na kulangan siya sa sinabi ko.

Muli niyang ininom ang Juice at pagkakataon na ito ay inubos na niyang tuluyan.

"Sige.Mauna na ko." Paalam sakin.

"Ehem..." Nasamid naman ako  kaya inubo ako ng husto.

"O-okay ka lang?" Pag-aalala niya sakin.

"Ok-okay lang." Nawala kaagad ang samid ng haplosin niya ang likuran ko.


"Akala ko kung na paano kana." Ngumiti siya sakin.

"Wala "yon.Salamat." Humiwalay na ko at tsaka siya nagpaalam.

"Mag-iingat ka." Huling sambit sakin.

Totoo ba tong sinabi niya? Waaah umeepekto kaagad ang gayuma!

Pabalik na sana ako ng Canteen ng makasalubong ko sina Clarissa at Nixon.

"Saan ka naman galing babae?" Siwalat sakin ni Clarissa.

"Ahm.Dito dito lang." Pagsisinungaling ko

Si Nixon naman ang tahimik.

"Tara na.Pumasok na tayo." Paanyaya ni Clarissa samin.

Nauunang maglakad si Nixon habang kami ni Clarissa nandito sa likuran niya.

"Bakit tahimik yata si Nixon?" Bulong ko.

"Kanina pa yan." Nakasimangot niyang sagot

"Pssst ...Nixon!"

"What?" Sagot nito pero hindi tumitigil sa paglalakad.

"Galit ka ba,Nixon?" Usisa ko.

"Nope.May dahilan ba para magalit?" Nakapamulsa itong humarap samin ni Clarissa.

Nagkatinginan kami ni Clarissa tapos iiling-iling lamang iniwan kami nito.

"Okay lang ba kayo ni Clarissa?" Sabat ko.

"Oo naman." Tinalikuran na ko.

"Parang hindi naman eh." Naka nguso kong sunod dito.

"Bahala ka." Huminto ako sa paglalakad kaya naman ang layo namin ay nasa sampung dipa bago niya namalayang wala na ko sa likuran niya.

"Sasabay ka ba sakin pumasok o hindi?" Suplado naman.

"Mauna kana.Mukhang hindi maganda ang timpla ng araw mo." Pagtataray ko.

"Klea ..." Cross arm nito.

"Ano?" Ako naman ang nag-cross arm.

"Lumapit ka rito." Utos niya.

"Ayoko." Pagmamatigas ko.

"Ayaw mo?" Dalaw.a.n.g kilay niya naman ang tumaas.

"A y o k o ..." inirapan ko nga.

"Okay,kalimutan mo na rin na may pagkain pa kong iiwan sa kotse para kainin mo." Pananakot nito.

"Ganoon? Its okay! Ganda kong "to? Aasa sa pagkain mo? Lolx."

"Haha sige wah? Walang sumbatan." Sa wakas tumawa rin.

"Hindi ako sanay na ganyan ka." Bulaslas ko naman siya na tumigil sa pagtawa.

"Na ano?"

"Na nagsusungit ka sakin." Seryoso kong tugon.

"Hindi kita sinusungitan Klea.Alam mo "yan.Kailanman hindi ko sayo gagawin ang bagay na ikakasakit sakin."

"Ha?"

"H- Hotdog !"

"Nakikiuso?" Inirapan ko nga..

"Kaysa sayo? Nakiki---"

"Ano??" Dinilatan ko ng mata

"Pwede bang lumapit ka sakin?"

"Bakit?"

"May kailangan lang akong sabihin sayo."

"Ikaw ang lumapit ,ikaw pala ang may kailangan eh." Basag ko.

"Haha ganoon? Ede sige.wag na nga talaga ,nagbago na isip kong isasama kita sa mall para k.u.main ng marami.Bagong bigay pa naman ni Daddy sakin ng allowance." Pipito-pito itong nakatingin sa itaas na pa simpleng sumisilip sakin kung ano magiging reaction ko.

"Okay."

"Anong okay?"

"Okay.Lalapit na..." Hayt,kahinaan ko talaga ang pagkain.Kainis !

Lumapit na ko at hinimas himas ang ulo ko na parang aso.

"Good girl.Good girl." Ngingisi ngisi niyang sambit.

"Ano bang kailangan mo?"

"Gusto ko lang naman malaman mula sayo kung okay ba "yong kinanta ko kanina."

"Ang panget." Biro ko.

"Talaga? Hindi mo na appreciate?" Lumungkot naman ang mukha.

Ngumiti ako."Sobrang na appreciate ko Nixon.Kung alam ko nga lang na kakanta ka baka gumawa na ko ng banner para i-supp.o.r.n kita."

"Supp.o.r.n...????" Naiinis niyang usisa sa sinabi ko.

"Support.Supp.o.r.n ka diyan...ikaw ha?" Natatawa kong sabi.

"Bakit sakin mo binaliktad? Eh ikaw nga nagsabi nun.Siguro na nunuod ka ng mga p.o.r.n movies noh?"

"Kapal mo! Never! " nagtatalsik pa laway ko sa pagsagot.

"Ows? Talaga? Eh bakit alam mo "yong p.o.r.n?"

"Ewan ko sayo!" Ako na naman ang talo.

"Nahuhuli ka sa sarili mong dila." Sinuklay niya ang buhok gamit ang dalari.

"Buwisit ka.Layo na nga!" Singhal ko.

"Haha si Klea naman.Ang high blood masyado. Hug kana ng bestfriend mo." Niyakap naman niya ko kaya hindi ko naiwasang ngumiti.

"Pero totoo? nanunuod ka talaga ng p.o.r.n? Gusto mo manuod tayo?" Hinampas ko nga ang kamay at braso! Kaasar talaga ,tawa pa nang tawa!

"Hoy! Narinig ko lang "yan sa mga klasmeyt ko! Never pa ko nakakapanuod ng mga ganoon."

"Pero alam mo "yong ginagawa?" Nag-umpisa na naman.

"Hindi." Inirapan ko nga.

"Talaga?"

"Nag-umpisa ka na naman Nixon! Pumasok na nga tayo! Male-late na tayo!"

"Ako naman ang taga lista ng mga nalelate kaya okay lang."

"Ah ganoon? Yabang mo!"Tawa naman ng tawa habang ako naiinis na.

"Ano pa ba ginagawa nyo rito?" Naitulak ako ni Nixon palayo sa kanya.

Huling huli kasi kami ni Amir na yakap ako ni Nixon. Waaaah..Baka mag-selos,Haha dejoke!

"Papasok na." Iniwan ako ni Nixon at nagmamadaling umalis.

"Sandali! Hintayin mo ko!" Tatakbo sana ako ng magsalita si Amir.

"May problema ka ba?" Humarap ako.

"Ako? Bakit? Wala.Ikaw? Baka meron?" Sunod-sunod kong sabi.

"Iniiwasan mo ba ko? Akala ko ba gustong-gusto mo ko? Bakit ikaw naman itong lumalayo?!" Nanlaki ng husto ang mga mata ko sa mga binitawan niyang salita.

"Amir?" Umayghad ...hindi kaya, gumana na "yang gayuma?

"Bakit sabi mo sakin dati na patay na patay ka sakin? Bakit sabi mo sakin dati na hindi mo kayang magmahal ng iba dahil ako lang ang gusto mo? Bakit nakita ko kayo ni Nixon? Yakap ka niya,mahal nyo na ba ang isat-isa?"

Bahagya akong ngumiti. Ang sarap kasi sa feeling na sinasabi niya ito sa mismong harapan ko.

Hindi ko tuloy alam ang mga sasabihin ko.Hindi talaga ako makapaniwalang gumagana ang gayumang binigay ni Aling Carlota.

"Nagsawa kana ba kakahabol sakin?" Muli na naman akong ngumiti.

Nang gigil ako sa sarili ko.Ayoko siyang makitang parang nasasaktan ngunit nais naman ng puso kong marinig ang mga nakakakilig na salita mula sa kanya.

"Sobra na ba kitang na saktan sa lahat ng pang-iisn.o.b ko at pangrereject?"

Mas lalong nangatog ang mga tuhod ko sa mga sinabi nito.Gusto ko na siyang sagutin sa lahat ng tanong niya,ngunit parang kulang pa.

"Mahal kita Klea.Nasaktan mo ko ng makita kong yakap ka ni Nixon.Sa bagay ,kulang pa nga itong sakit na nararamdaman ko ngayon sa sakit na naramdaman mo noon."

Bakit kaya ganoon? Ganoon ba talaga ang gayuma? Hindi mo kakikitaan ng halong pangloloko? Gustong-gusto ko ng maniwalang totoo ang lahat ng sinasabi niya sakin.Lumapit siya sakin upang hawakan ang kamay ko.

"Sagutin mo naman ako.Mahal mo ba ko Klea?"Heto yon! Heto yong hinihintay ko.

"M--"

"Amir!!!" Bulyaw ni Leny mula sa likuran niya.Lumapit siya samin at pilit pinaglayo kami.

"What the h.e.l.l are you doing?!" Bulaslas ni Leny.

"h.e.l.l what?"

"Amir! Hindi ko matanggap lahat ng mga sinabi mo sa babaeng yan!" Sabay turo sakin.

"Stop Leny! Total narinig mo naman pala ,you can go now ,Just leave." Isang sampal ang pinakawala ni Leny sa pisngi ni Amir.

"Stop? Leave? The h.e.l.l Amir ! Ako ang girlfriend mo ! At hindi siya!" Sabay turo na naman sakin.

"Ano pa bang gusto mong marinig para maniwala kang tama "yang nalalaman mo?"

"The h.e.l.l! d.a.m.n!" Mura ng mura si Leny habang si Amir lumapit sakin at mabilis akong hinalikan sa labi.

Sobrang bilis lang ng pangyayari ngunit parang ang tagal ng oras para paghiwalayin ang mga labi namin.

Hinalikan ako ni Amir sa labi at sa mismong harapan pa ni Leny.

Pinagsusuntok ni Leny ito at iyak ng iyak.

"Walang hiya ka Amir! Ipagpapalit mo lang ako bakit sa PANGET PA!"

"ISANG TAWAG MO PA SA KANYANG PANGET , PASASABUGIN KO YANG NGUSO MO." banta nito.

Gulat na gulat pa rin si Leny. SinuG.o.d niya ko at tinulak tulak sa dibdib.

"Ikaw! Anong ginawa mo sa Boyfriend ko ha! Ginayuma mo ba siya ha! Anong ginawa mo! Walang hiya ka! Mang-aagaw ka ng boyfriend!"

"Tama na!Tama na Leny!" Itinulak niya ito kaya naman na buwal si Leny habang umiiyak.

Kung bakit ba naawa ako sa bruhang ito.Bakit ba?Masama na ba "yong ginawa ko? Gusto ko lang naman mapunta sakin si Amir.

"Hindi na maganda "yang ginagawa mo! Wag mo ipakita samin na desperada ka masyado.Tara na Klea." Hinila niya ko palayo.

"Sabihin mo sakin kapag inaway ka ulit niya ha?" Hawak niya ko sa magkabilang balikat.

"Oo."

Ngumiti sakin at tsaka hinaplos ang pisngi ko.

"Simula ngayon,lagi mo na kong kasama ,simula ngayon,walang sinoman ang pwedeng manakit sayo."

Napakasarap sa feeling marinig mula sa kanya na nag-aalala siya at mahal niya ko.

Hinatid niya ko sa room ko,ngunit nagklklase na napagalitan ako ni Ma"am Faustino.

"Saan ka ba galing?" usisa ni Ma"am Faustino.

"Excuse,t.i.ta Rita. " si Amir.Nandito pa pala sa likuran ko."Kasalanan ko po.Magkasama kami ni Klea kanina kaya nalate siya."

Matapos sabihin ni Amir "yon ay nagbulungan ang mga klasmeyt ko ,maski si Ma"am Faustino ay matinding gulat ang gumuhit sa kanyang mukha.

"Bakit naman kayo magkasama?" Usisa ni Ma"am

Magsasalita pa sana si Amir pero hinila ko siya palabas ng kwarto.

"Pumasok kana sa klase nyo." Utos ko.

"Pero baka pagalitan ka ni t.i.ta."

"Kaya ko na magpaliwanag kung bakit,sige na,pumasok kana."

"Sigurado ka?"

"Oo.Sige na."

"Magkikita pa ba tayo ulit?" Ngumiti ako.

"Oo.Magkikita pa tayo ulit.Kaya pumasok kana."

"Sige.Salamat Klea.Hindi na ko makapaghintay na magkita tayo mamaya."

Nagpaalam na rin siya at pumasok na ko sa loob.Lahat sila ay nagtataka kung bakit nandito si Amir kanina at bakit kami magkasama

"Maupo kana Klea." Utos ni Ma"am.

Naupo na ko at sinikap na makinig,kahit sa totoo lang ay labis ang pag-iisip ko na nasa akin na ngayon si Amir. Magiging boyfriend ko na rin siya at mahal na niya ko.

Nagpaalam saglit si Ma"am na lalabas kaya nagkaroon ng pagkakataon na mag-usisa sakin ang mga klasmeyt ko

"Bakit kayo magkasama?"

"Don"t tell me, inaway ka na naman niya?"

"Oh baka ginawa na naman "yan ni Leny para mapahiya ka at malate."

Sunod-sunod nilang sambit.Si Pres ,nakatingin lamang samin.

"Okay na kami ni Amir."

Namilog ang kanilang mga mata at labi.

"Hindi na kami enemy." Dugtong ko pa.

"You mean,hindi kana niya pagtritripan? Lalaitin?" Usisa ng kung sino.

"Oo hindi na talaga."

"Pero bakit? Anong nangyari at bakit nagbago sayo?" Hindi na nga natiis ni Pres na magtanong.

"Na realise raw niyang tama ka nga.Mabait daw akong tao at hindi dapat pinagkakaisahan."

Ako na talaga dapat gumawa ng way  para mapaniwala silang okay kami at walang nangyayaring hindi maganda.

"Mabuti naman.Alam kong masaya kana ngayon dahil hindi kana niya bubulihin."

"Tama."Sakto b.u.malik si Ma"am Faustino kaya balik silang lahat sa kanilang upuan.Mukhang umaayon na sakin ang lahat.Itong Matagal ko ng pangarap na mapasakin siya ay natupad na.

© 2024 www.topnovel.cc