Potion Of Love

Chapter 22

Don"t touch her

Inihagis niya sa lamesa ang isang papel.Tinitigan ko muna siya bago tanungin.

"Ano "yan?" Pagtataka ko.

"Listahan "yan ate ng mga kailangan namin sa Cooking show."

"Jomeeeelll..."

"Ops! Nagpromise sakin si Kuya Amir, siya na raw ang magpupunta sa palengke."

"Oh yon naman pala eh? Bakit sakin mo ibinibigay "to." Sabay balik sa kanya ng papel.

"Dahil wala na kong time,Please Ate Klea! Waaaa mag-aayos pa kami ngayon ng booth.Please,ikaw na.Half day lang din pala kayo ngayon." Nakasimangot nitong wika.

"May magagawa pa ba ko? Matatakasan pa ba kita? Oo na,sige na.After ko rito sa isang subject aalis na kami."

"Yes,Thank you!Thank you !Thank you Ate! Your the best Ate in the world!" Yumakap sakin sabay alis din naman.

Iiling-iling nalang akong tumingin sa kanya at binabasa ang papel.

After nga ng isang subject namin lumabas kaagad ako, at hinahanap si Amir sa kanilang room.Hindi  palang sila naglalabasan,kung minsan na iisip ko,Nagpapansinan kaya sila ni Leny sa room nila? Nag uusap kaya? O di kaya tumatabi tabi itong linta na "to sa boyfriend ko.Ang tagal din kasi nilang maging magjowa ,syempre sana"y sila sa isat-isa, kaya naman nag-iisip ako,kung paano pala ginagawa nila kapag hindi ko sila nakikita.

"Uwian nyo na?" May tumabi sakin habang nakatayong tinatanaw si Amir.

"Oo.Bakit?"

"Last na rin naman yan hintayin mo nalang si Amir." Sabay pasok sa room nila.

"Hoy Nixon!" Mahina kong tawag pero tuloy tuloy lamang siya sa paglakad.

"Hoy ka rin! Umalis kana muna nga diyan sa tapat ng room namin ,pwede ba? Ang ingay mo! Hindi naman mawawala si Amir eh!"

"Ang init ng ulo." Bulong ko bago gumilid.Ang init ng ulo nang kanilang Secretary.

Ilang sandali lang lumabas na rin ang buong section A,pero walang Amir akong nakikita.Timing naman na konti nalang ang lumalabas ay tsaka ako sumilip sa pintuan.Sila pala ang cleaners ngayon and guest who kung sino ang kasama niya sa team? Walang iba kung hindi si Lintang Leny.

"Amir!" Tawag ko syempre.

"Hi Love!" Lalapitan ako pero hinarang ni Leny ang walis tambo para magwalis ito.

Masamang tingin naman ang pinukol sakin ni Lintang Leny.

"Hihintayin kita rito." Mahina kong wika,pero na unawaan naman niya kaagad.Tumango siya bago magwalis.

Gusto ko sana siyang tulungan dahil halata naman ditong hindi talaga sana"y kahit sa pagwawalis man lang.

"I"m done." Punas naman ng punas sa mukha ng bimpo.

"Ako na." Kusa ko siyang tinulungan magpunas ng pawis.t.i.tig na t.i.tig naman itong nakatingin sakin.

"Bakit?" Usisa ko.

"Ang ganda mo." Kagat labi naman akong kinilig sa sinabi nito.

"Maliit na bagay Love."

Inayos nito ang aking buhok."Ang sarap mong mahalin.Sana wag mo ko ipagpalit sa ibang lalake ha?"

"Ako? Ako pa ba gagawa nito? Haloow? Straight akong tumingin noh.Hindi pa baling baling sa kung saan."


"Kahit gaano pa katuwid "yang paningin mo,kung may todo papansin sayo sa gilid mapapalingon at mapapalingon ka talaga."

"Mapalingon man ako dahil sa iba, asahan mong sayo lang ang puso ko."

Pigil sa pagtawa ang boyfriend ko.Gusto na ngang tumawa ng malakas na hihiya pa.

"Sige na,ipakita mo saking kinikilig ka,tayo lang naman ang nakakakita na ibang klase kang kiligin." Panunuya ko.

"Hindi ah? Hindi ako kinikilig." Deny niya.

"Hindi ka nga kinilig talaga??"

"Uhm hindi,natatawa lang ako dahil ang korny na natin."

"Pero kahit korny ,totoo naman.Sayo lang ang puso ko Amir." Malambing kong wika.

Dahan-dahan sana niya kong hahalikan pero pinigilan ko lamang.

"Nasa school tayo." Bulong ko.

"Ano ngayon?"

"May makakita sa atin mga guro,malalagot tayo."

"Okay sa market nalang." Hinila niya ko palayo sa building.

"Hoy anong sa market nalang?" Tanong ko ng pasasakayin na ko sa kotse."Teka,pupunta pa ko sa locker ko." Kinuha niya ang bag ko tapos inabot niya ito sa nagdaang lalakeng estudyante.

"Paki lagay yan sa locker ni Miss Klea,last Section ng Fourth Year.Ayusin mo ha?" Matapang na utos nito.

"O-opo----" Nagmamadali namang lumayo ang lalake na halos madapa pa.

Hinampas ko ang kanyang tiyan kaya naman napahawak siya dito.

"Grabeee ka talaga!" Inis kong sabi.

"Grabe saan??"

"Alam mo hindi porket sikat ka rito,gagawin mo "yan sa ibang estudyante.Maawa ka naman,halos atakihin sa puso yung tao sa takot sayo.Alam mo bully ka talaga."

"Eh malas niya ,dumaan siya rito eh." Binuksan ang kotse at pinapasok ako.

"Pero mali pa rin "yon Amir." Sabi ko pa rin ng makapasok na siya upang magdrive.

"Okay." Naka ngiti niyang tugon.

"Ganyan na ganyan din kasi ginagawa mo sakin dati eh." Nakasimangot kong sambit.

Tumukhim lamang siya tapos nakatingin pa sakin.

"Pero hindi na ngayon."

"Hindi na dahil mahal mo na ko.Paano naman "yong iba? Wag sana sasama loob mo sakin ha? Kasi alam ko yong pakiramdam kapag na bubully ng mga bully."

Tumaas ang dalaw.a.n.g kamay nito."Okay,Okay---Suko na ko.Hindi ko na uulitin, pangako." Nakangisi

"Sincere ba "yan?" Paniniguro ko.

"Oo naman.Ano ba? Mag sesermonan nalang ba tayo rito? Hindi na ba tayo aalis ? Kasi ang alam ko kailangan na nila "yong mga bibilin natin."

"Bukas pa naman yon." Ngumuso ako

"Kailangan macheck ng mga officers "yon para bukas."

"Okay." Akala ko naman sa palengke kami magpupunta pero mali pala ako.Sa puregold pala kami pupunta at "don bibili ng mga kakailanganin.

"Mahal dito." Angal ko.

"Akala ko ba sa palengke?"

"Ang baho kaya roon----" Reklamo niya.

Taas kilay ko siyang tinitigan.

"Pero yong binigay na pera ni Jomel ay sakto lang sa nakalista rito.Baka makabalik tayo sa school kulang-kulang ang kakailanganin nila."

"Ako na bahala." k.u.muha na ito ng push cart.

"Sinabi mo na ba Kay Jomel?"

"Oo." Iniwan ako.

"Talaga naman itong si Jomel." Iritable kong bulong ng habulin si Amir.

Hawak niya ang papel kaming dalawa naman ang nagtutulak ng push cart. Masyado siyang mabusisi sa mga brand ng mga binibili nito, hindi nga siya bastbasta kukuha tapos sabay tapon sa cart.Eh kung ako nga "yon baka kung ano nalang ang kunin ko,ganoon din naman "yon same lang ang lasa,nagkaiba lang sa Brand name at presyo.

"Dapat matuto kana sa pamimili ng mga ganito.Sa susunod niyan ikaw na ang mamimili ng mga groceries natin." Satsat niya.

"Ay ganoon? Wala tayong kasambahay para gumawa non?" Bulong ko pero na rinig naman pala."Joke lang! Alam ko naman "yon eh."

Iniwan na naman ako dahil siya itong tumulak sa cart.Hinabol ko na naman.

"Mas pabor ba sayo na magkaroon ng kasambahay kaysa ako ang "yong pagsilbihan?" Sa malayo nakatingin.

"Ha? Joke nga lang "di ba?" Nakangiti kong sabi.

"Pero sana kung tayo man ang magkatuluyan "na sana nga" ay ikaw na lang, ang mag-alaga sakin.Sawa na akong may nakikitang kasambahay sa bahay,ayoko rin na ibang tao ang mag-aalaga sa ating anak at dapat,ikaw lang ang mag alaga at ako syempre rin."

"Alam ko,mas masaya "yon.Magkakbonding tayo "di ba?"

"Tama,kompleto na lahat ,pumila na tayo." Maligaya nitong utos.

Nang makabalik kami sa School ay kaagad din niya ko hinatid sa bahay,tumawag kasi ang Daddy niya dahil may dinner meeting sila ng mga kasama nito sa trabaho.Hinayaan ko na lang siya at pinilit dahil ayaw niya talaga magpunta.Kaya lang,kahit di pa kami nag kikita ng Dad niya parang matapang ito at matindi magalit,ayoko naman masira ang pagkatao ko sa kanila.

"Ate okay na ba lahat?" Bungad ni Jomel.

"Oo wah."

"Yes! Salamat! Wag kang mawawala bukas ha?"

"Mawawala ba ko? Iisang University lang ang iniikot natin noh?"

"Salamat." Todo ngiti naman ito.

"Hi bessst!!!!" Si Clarissa.

"Wooow! Anong meron?" Satsat ko.

"Anong meron dahil hindi kana dumaan sa bahay?" Balik niyang tanong.

"Eh alam mo na."

"Kasi may boyfriend kana."

"Hindi ah!"

"Pero may surprise ako sayo."

"Ano naman yon? Kayo na ba ni Nixon?"

"Kainis ka,hindi "yon!"

"Eh ano nga?"

"Ehhh may anoooo---"

"Ano? Pabitin talaga? Pasuspense?"Naupo lamang siya sa tabi ko habang kilig na kilig.

"May nagpapadala sa locker ko ng flowers and chocolate.Waaaah grabe ,may secret admirer akoooo..."

"Talaga?"

"Oo nga,nag-iwan pa nga ng notes." Inabot sakin ang papel.

Laking gulat ko naman na parehong-pareho sa sulat kamay ng nagpapadala sakin ng bulaklak.

"Uy! Natahimik ka dyan?" Usisa nito.

"Ha? Uhm,Wow!May secret admirer ka rin." Masaya kong tugon.

"Oo nga,kaya lang parang pamilyar sakin yung sulat,hindi ko lang matandaan kung kaninong sulat eh."

"Baka naman akala mo lang may kamukha." Kunwari wala pa kong napapansin sa sulat.

"Sabagay,Oo nga pala,sabay kana magdinner sa amin ni Nixon?"

"Saan?"

"Sa dating alam mo n--Food park!"

"Naku!Alak lang naman ang habol mo eh."

"Ako ba talaga?"

"Kayong dalawa."

"Well,bakit kasi hindi ka nalang maki-ride samin? Ang labas tuloy nyan ikaw ang taga bitbit ng mga lasheng."

"Kung pareho tayong tatlong lasheng,sino pa tagakay? Ede wala na?"

"Isama mo nalang si Amir ,tapos siya ang wag mo painumin."

"No,baka magpapaalam lang ako doon na iinom hindi na ko payagan eh."

"Sus! Under?"

"Hindi.Ayoko lang kasi na magalit siya."

"Isama mo na siya."

"Busy "yon."

"Lagi naman,tara na? Hinihintay na tayo ni Nixon sa Food park, baka mainip "yon eh."

Nagpaalam na muna ako kina Nanay at Tatay bago kami umalis.Sa Food Park naman,ay marami na ngang tao ang nandoon.May live band pa nga kaya sobrang ingay.Sa ka bilang banda naman ay nag iisa si Nixon,marahil ay hinihintay kami ni Clarissa.

"Kanina kapa?" Usisa ni Clarissa.

"Oo,pero hindi naman ako nainip,kasama ko sina Blaze at ang ibang kabanda." Sakin nakatingin.

"Nandito lahat?" Paniniguro ko.

"Oh heto sila!" Sabay kaway sa likuran namin.

May anim na lalake lumapit samin.Lahat sila walang makitang kapintasan sa mga mukha.Lahat paw.a.n.g mga gwapo at halata rin na anak mayaman.

"This is Clark ,Joven ,Greg ,Mike ,France ,and Jericho,ang kabanda ko sa kantahan at kasiyahan." Pagpapakilala sakin.

Kanykanya silang abot ng kamay sakin.Ginantihan ko naman ito.

"Now,i know her ,siya pala yung babaeng kaibigan ni Poging Nixon?"  Satsat ni France.Siya ang pinaka matangkad sa kanilang lahat.

Konting katahimikan ang namayani sa aming lahat kahit puno ng ingay ang buong paligid.Mas lalo pa tumahimik at naging mainit ang tensyon ng dumating si Amir.Inabutan niyang inakbayan niya ko at parang tuw.a.n.g-tuwa.

"Don"t touch her." Banta niya Kay France,bago maitulak niya ito sa kinatatayuan nila Nixon.

Ang huling na rinig ko lang mula Kay Clarissa ay ang salitang Malaking gulo ito.

© 2024 www.topnovel.cc