Marcux"s P.O.V.

Hi. My name is Marcux Christopher Dela Rama. I am seven years old. I lived in an apartment building in Quezon City with my parents. Nandidito ako sa Science Cla.s.s ko ngayon. Quiet muna tayo ha. Hinain muna natin ang mga boses natin. Medyo strict ang teacher natin na si Ms. Tupac.

Siya si Ms. Emeralda Tupac. Matandang dalaga. Siya ang pinakamasungit na teacher na nakilala ko. Lagi kasi niya ako pinapagalitan tuwing cla.s.s recitation.

"Marcux Christopher Dela Rama!" tawag niya.

Hayan na naman siya! Ako naman ang napagtripan niya. Ano naman ang ginawa ko. Sige na nga. Tatayo na nga lang ako.

Ang tanong ng teacher, "Can you do a recap of what we had discussed yesterday?"

"Huh? Ano po? Recap?" tanong ko naman na medyo kinakabahan.

"Yes! I need a brief summarization of what we had discussed yesterday. Mukhang hindi ka na naman nagreview ng lesson mo sa bahay?" duda niya.

Teka, ano nga ba ang ginawa ko kagabi? Ah! Naglaro nga pala ako ng D.O.T.A. sa bahay. Hindi ko alam na may graded recitation nga pala ngayon.

"Marcux! Are you listening to me? Earth to Marcux?" tinawag ng teacher ang attention ko.

"Uy! Marcux, tinatawag ka? Lumilipad na naman yung utak mo!" sabi ni Lynn.

Siya si bespren Lynn. Her full name is Avelina Floresca. Medyo baduy ang pangalan pero maganda naman siya. Parang yung sikat na childstar na si Mona Louise Rey. Pero, huwag kang magkakamali bangain iyan. Siga yan. Siya ang nagtatangol sa akin kung tinutukso ako sa school. Kaya ko siya bespren. At isa pa, parati siya nagshe-share sa akin ng sandwich tuwing recess. Gawa ng mommy niya.

At mukhang narinig pa yata siya ng teacher nung kinakausap niya ako, "Avelina, mukhang heto na naman tayo. Nagdadaldal ka na naman tuwing may klase. Tumayo ka at sagutin mo yung tanong ko."

Napatingin lahat kay Avelina. Tahimik itong tumayo at sinagot niya yung tanong ng teacher.

"Yesterday, we talked about the topic of the circ.u.mnavigation. The first circ.u.mnavigation is done by the Portuguese explorer named Ferdinand Magelland in August 10, 1519, which is supported by the Spanish Crown. And, this expedition followed by Juan Sebastián Elcano in September 06, 1522. After completing his expedition, he was recognized by Charles I of Spain and rewarded him with the coat of arms with the t.i.tle, Primus circ.u.mdedisti me, which is a Latin phrase for "You went around me first". The concept that tells that the earth is round started during the 6th Century B.C., which is mention in the Greek Philosophy. However, the Mesopotamian mythology conceptualized that the earth is flat. And, the realization that the earth has the ellipsoid shape came out after Isaac Newton wrote his book Principia in 17th Century."

Bravo! Ang galing! Napanganga ang lahat. Ganun din si Ms. Tupac. Muntik na nga mapasukan ng bangaw ang bibig niya.


Napangiti naman si Ms. Tupac dahil bilib na bilib siya kay bespren Lynn.

"Very good, Avelina. You may sit down!"

At tumingin ng masama sa akin si Ms. Tupac, "At ikaw naman Marcux, gayahin mo ang bestfriend mo! Magaral ka ng mabuti! Hindi na lang parati kunsumisyon ang ibibigay mo sa parents mo. Sige na. Puwede ka ng maupo."

Hay, sa wakas. Makakaupo na rin.

...

© 2024 www.topnovel.cc